GMA Logo Youre My Favorite Song
Source:You’re My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Gran Vista Resort ng pamilya ni Angel, magbubukas na!

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 2, 2026 2:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmental, terminal fees at Cordova port up by P10
Former champion Krejcikova rallies past Andreeva into Wimbledon third round
BINI postpones European 'Signals' World Tour

Article Inside Page


Showbiz News

Youre My Favorite Song


Abangan ang pagbubukas ng Gran Vista Resort ng pamilya ni Angel (Caprice Cayetano) sa You're My Favorite Song!

Masaya na muli si Angel dahil matapos maisugod si Lolo Xavi (Boboy Garrovillo) sa ospital ay muli na itong makakauwi sa kanilang bahay.

Hindi man nanalo sa Regional QuizCon kung saan nakapareha niya ang kaniyang academic rival na si Calix (Clifford), tila hulog ng langit sa buhay ni Angel ang kaibigang si Zion (Marco Masa) na siyang tumulong sa kaniya upang makalikom ng pera pambayad sa gastos sa pagpapagamot sa kaniyang lolo.

Ang pinagipunang ticket sa concert ng Siklab na dapat ay ibibigay ni Zion kay Charm (Waynona Collings) ay minabuti niyang ibigay kay Angel para makalikom ng pera para makalabas na si Lolo Xavi sa ospital.

Nagtulungan ang dalawa na mag-livestream upang ibenta ang ticket na nagkakahalaga ng Php 15,000. Isang mystery viewer naman na nagtatago sa pangalang “Mr. Moon” ang bumili ng ticket at nagpadala agad ng bayad kay Angel.

Dahil dito, wala nang problemang iintindihin si Angel at Mama Bebe (Katya Santos) at maayos na nilang maiuuwi si bahay si Lolo Xavi na nasa stable ng kondisyon.

Sa episode ngayong Huwebes, July 02; sa pagbabalik ng pamilya Dimaculangan sa kanilang tahanan, ay isang enggrandeng ganap ang mangyayari dahil bubuksan at pasisinayaan na ang kanilang dream resort, ang Gran Vista Resort.

Maging masaya kaya ang grand opening na ito? May sumira kaya muli ng kasiyahan ng pamilya Dimculangan?

Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: 'You're My Favorite Song' stars feel overwhelming support from fans at media day