GMA Logo Youre My Favorite Song
Source: Youre My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Intense scene nina Caprice Cayetano, Kazel Kinouchi, at Katya Santos; hinangaan ng netizens!

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 9, 2026 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robin Padilla visits Rodante Marcoleta at PNP General Hospital
Heart Evangelista shines at Max Mara Shanghai celebration
Crocodile released back into Liguasan Marsh after rehabilitation

Article Inside Page


Showbiz News

Youre My Favorite Song


Magkahalong paghanga at kaba ang hatid sa fans at viewers ng intense scene nina Angel (Caprice Cayetano), Mama Bebe (Katya Santos), at Serina (Kazel Kinouchi) sa 'You're My Favorite Song!'

Tuloy-tuloy pa rin ang kasamaan ni Serina sa kaniyang walang-humpay na paghihiganti sa sarili niyang pamilya—kina Lolo Xavi (Boboy Garrovillo), Mama Bebe (Katya Santos), at Angel (Caprice Cayetano).

Matapos ang naunang plano na sirain ang Gran Vista Resort upang mabili ito at mapasakamay ng Montaverde empire, muli na namang naglunsad ng pananabotahe si Serina upang tuluyang mapabagsak ang kaniyang kinamumuhiang pamilya.

Noong episode noong Martes, July 7, isang maitim na balak ang isinagawa ni Serina. Binayaran niya ang mga staff ng resort ng pamilya Dimaculangan upang kumbinsihin ang mga ito na biglaang umalis, na nagbunsod nga sa isang matinding mass resignation.

Dahil sa nangyari, hindi nagpatinag si Angel. Naglakas-loob siyang puntahan si Serina upang pakiusapan at kumbinsihin na tigilan na ang paninira sa kanilang resort. Humingi rin siya ng awa mula sa kaniyang Tita Serina na iwasan na ang panggugulo sa pamilya.

Ngunit sa halip na maawa, lalo lamang itong ikinainis ni Serina. Nilabanan niya si Angel at ipinamukha na hindi sapat ang talino kung wala namang yaman na katulad ng sa kaniya. Sa tindi ng galit, sinaktan ni Serina ang bata dahilan upang matabig nito ang isang cake at madumihan ang mamahaling carpet.

Dahil dito, mas lalong nagngitngit si Serina at walang-awa niyang nginudngod si Angel sa cake na nasa sahig!

Buti na lamang at agad na dumating si Mama Bebe upang iligtas si Angel mula sa malupit nitong tiyahin. Buong-tapang niyang ipinagtanggol ang kaniyang anak-anakan mula sa pananakit ng sarili niyang kapatid.

Dito na isinumbat ni Serina ang kaniyang matagal nang itinatanim na galit sa pamilya Dimaculangan. Isinisi niya sa kanila ang pagkamatay ng kaniyang anak noon na tila ba pinabayaan siya ng pamilya. Gayunpaman, giit ni Mama Bebe, isang malaking aksidente ang nangyari noong lumayas si Serina sa kanilang bahay.

Ipinahayag ng maraming fans at viewers ang kanilang halu-halong inis sa karakter ni Serina, habang todo-puri naman sila sa mahusay at de-kalibreng pagganap nina Caprice Cayetano, Kazel Kinouchi, at Katya Santos sa madamdamin at marahas na eksenang ito.

Narito ang ilang komento mula sa mga viewers at fans:


Ano pa kaya ang mga maiitim na plano ni Serina upang paghigantihan ang kaniyang pamilya? Ano pa kaya ang balak niyang gawin upang patumbahin si Angel?

Abangan pa ang mga mas mainit at intense na mga tapatan sa pagitan ni Serina at ng pamilya Dimaculangan.

Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!