
Muling pinag-usapan sa social media ang hit romance-drama series na You're My Favorite Song matapos ang sunod-sunod na rebelasyon at mga plot twist, lalo na ang hindi inaasahang pagbabago sa karakter ni Calix (Clifford).
Sa episode noong Martes, July 14, habang nagbabalak na naman ng masama sina Calix at ang kaniyang mga kaibigan laban kay Angel, narinig sila ni Adie (Princess Aliyah). Pinigilan niya ang grupo at inamin ang katotohanang hindi si Angel ang nagpakalat ng fake video ni Calix, kundi siya mismo at ang kaibigang si Charm (Waynona Collings).
Tila nabaligtad ang mundo ni Calix matapos malaman ang totoo. Napagtanto niyang mali ang lahat ng kaniyang pambu-bully kay Angel, na nag-ugat lamang sa galit matapos siyang mapahiya sa buong paaralan dahil sa nasabing video.
Bilang ganti, nagplano ang grupo ni Calix na pahiyain si Charm. Nagpaskil sila sa buong campus ng mga lumang litrato ni Charm noong ito ay may malalang tigyawat, na naging tampulan ng katatawanan sa buong Brighton Bay.
Nang makita ito, agad na kinompronta ni Charm ang grupo. Hindi na nakapagpigil si Calix at diretsahang sinabi kay Charm na hindi niya ito kailanman magugustuhan at tinawag itong desperada.
Sa kabilang banda, upang bumawi sa kaniyang mga atraso, tinulungan ni Adie si Calix na bilhan ng trip to Boracay ang pamilya Dimaculangan—isa sa mga nasa bucket list ni Lolo Xavi (Boboy Garrovillo).
Bagama't hindi agad naniwala si Angel, naalala niya ang pangalang “Mr. Moon” nang banggitin ito ni Lolo Xavi. Ito rin ang misteryosong tao na bumili ng mga ticket sa concert ng Siklab, na siyang naging tulong para maibayad sa gastusin sa ospital ni Lolo Xavi noon.
Sinubukan din ni Calix na kausapin si Angel nang personal, kasama ang kaibigang si Raviel (Lee Victor), upang humingi ng tawad.
Ngayong Miyerkules, July 15, malalagay sa kapahamakan ang buhay nina Angel at Calix dahil sa planong paghihiganti ni Charm bilang ganti sa pamamahiya sa kaniya sa Brighton Bay.
Bago pa man umere ang kapanapanabik na episode ngayong araw, dagsa na ang excitement ng mga fans. Labis din ang paghanga ng mga netizen sa mahusay at dekalibreng pag-arte nina Caprice at Clifford sa mga matitinding eksena, partikular na ang inaabangang pagtatanggol ni Calix kay Angel.
Narito ang ilang reaksyon at komento mula sa mga solid viewers at fans:
Dahil sa tindi ng ingay ng episode at ang matinding pag-aabang ng fans sa susunod na mga tagpo, agad na umakyat sa Top 1 spot ng trending topics sa social media platform na X (dating Twitter) noong Martes ang hashtag na “ANGEL's UNEXEPECTED HERO,” habang nakuha naman ng “GELIX RISK IT” ang Top 3 Spot.
Abangan ang redemption era ni Calix! Ano kaya ang gagawin ni Angel para mailigtas ang buhay ng nagtanggol sa kaniyang si Calix?
Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!
Related Gallery: Cast ng You're My Favorite Song, kilalanin!