GMA Logo Heath Jornales, Clifford, Marco Masa
Source:Youre My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Miguel, Calix, at Zion; tutulungan si Angel!

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 28, 2026 3:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos delivers aid to Davao provinces a day after SONA 2026
#SONA2026 Marcos says Davao City ‘Love Buses’ going electric
Discounted fares on LRT-2, MRT-3 remain in effect amid Middle East crisis

Article Inside Page


Showbiz News

Heath Jornales, Clifford, Marco Masa


Abangan kung paano magtutulungan sina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) upang tulungan si Angel (Caprice Cayetano) sa finale week ng You're My Favorite Song!

Sa nalalapit na pagtatapos ng hit romance-drama na You're My Favorite Song, sunod-sunod pa rin ang mga malalaking pasabog at matitinding tagpo sa buhay ng bidang si Angel (Caprice Cayetano) matapos malaman ng lahat na siya pala si Celestine—ang matagal nang nawawalang tagapagmana ng mga Montaverde.

Matapos ang pagkakakulong ni Mama Bebe (Katya Santos) at ang pagpapalaya sa kaniya ni Enrico Montaverde (James Blanco) nang bumalik ang alaala nito, tila nagbago ang ihip ng hangin sa pagpapanggap ni Serina (Kazel Kinouchi) na siya ay nagbago na.

Ngunit bahagi lamang pala ito ng kaniyang lumalalang masamang balak laban sa pamilya Dimaculangan at sa mag-amang Montaverde.

Dahil sa sama-samang pagtira nina Angel, Mama Bebe, Lolo Xavi (Boboy Garrovillo), Enrico, at Serina sa mansyon ng mga Montaverde, mas madali na para kay Serina na pabagsakin at pahirapan ang kaniyang pamilya—lalo na si Angel na ngayo'y kahati na niya bilang isang Montaverde.

Sa kabilang banda, matapos ang naganap na tensyon at kompetisyon sa pagitan nina Miguel, Calix, at Zion para sa puso ni Angel noong Brighton Bay Ball, bigo ang tatlo na makatakas noon upang tulungan si Angel habang papunta ito sa kulungan para bisitahin ang kaniyang Mama Bebe.

Makalipas ang ilang araw, makikita nila ang matinding hirap na pinagdaraanan ng dalagang pare-pareho nilang iniibig. Dahil dito, magkakasundo ang tatlo na tulungan si Angel sa mga kinakaharap nitong problema.

Mapagdedesisyunan nilang isantabi muna ang kanilang nararamdaman para sa dalaga. Ititigil muna nila ang mga pag-amin at pagpapansin upang mapaibig ito, at sa halip ay magpopokus sila sa pagtulong kay Angel upang maresolba ang mga problemang nagpapabigat sa loob nito.

Ngayong huling linggo, malagpasan kaya ni Angel ang mga pagsubok na darating sa kaniyang buhay at pamilya? Magtagumpay kaya sina Miguel, Calix, at Zion sa pagtulong sa kaniya?

At sa huli, kanino kaya magbubukas ang pusong mapagmahal ni Angel? Sino ang kaniyang pipiliin sa pagitan ng tatlong lalaking pare-parehong malapit sa kaniya?

Abangan ang mas tumitindi at mas kapanapanabik na FINALE week ng You're My Favorite Song, ngayong linggo, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!