GMA Logo Youre My Favorite Song
Source:Youre My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Sabay-sabay na pag-amin nina Miguel, Calix, at Zion kay Angel, ikinatuwa ng netizens!

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 29, 2026 11:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Huli-cam: Lalaki, nanloob sa isang bahay sa Mandaluyong; mahigit P5,000, tinangay ng suspek
Marcos inspects housing project in Duterte stronghold Davao City
AltG Records' Plume sings about bittersweet farewells and fate in new single 'Ikot'

Article Inside Page


Showbiz News

Youre My Favorite Song


Kinaaliwan ng viewers at fans ang naganap na sabay-sabay na confessions nina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) sa 'You're My Favorite Song!'

Hindi pa rin nauubusan ng nakakakilig na tagpo ang hit romance-drama na You're My Favorite Song hanggang sa huling linggo nito!

Sa episode noong Martes, July 28, nagtungo si Angel (Caprice Cayetano) sa opisina ni Ma'am Dragona (Shyr Valdez) upang asikasuhin ang kaniyang clearance. Inaayos na kasi niya ang kaniyang mga kailangan para sa pagpapatuloy ng kaniyang pag-aaral sa ibang bansa, na kaugnay din ng tuloy-tuloy na pagpapagamot at operasyon ni Lolo Xavi (Boboy Garrovillo).

Pinuri at hinangaan ni Ma'am Dragona ang dalaga sa kaniyang natural at likas na katalinuhan. Agad namang nagpasalamat si Angel sa lahat ng kaniyang natutuhan sa guro sa Brighton Bay Academy, mga aral na aniya'y babaunin niya hanggang sa kaniyang paglipad patungong ibang bansa para sa kaniyang senior high school.

Paglabas niya sa opisina ng guro, nakaabang at nagkukumahog naman ang tatlong lalaking sobra siyang hinahangaan: sina Miguel, Calix, at Zion. Bawat isa sa kanila ay may bitbit na naggagandahang bouquet ng bulaklak habang sinalubong si Angel. Naguguluhan naman ang dalaga kung bakit nagmamadali at tila nag-uunahan ang tatlo para lang makausap siya.

Lingid sa kaalaman ni Angel, nakahanda nang umamin ang tatlo sa kanilang tunay na nararamdaman dahil sa nabalitaan nilang nalalapit niyang pag-alis patungong ibang bansa.

Agad na nagsalita sina Miguel, Calix, at Zion at sabay-sabay na inaming may gusto sila kay Angel kasabay ng pag-aabot ng kani-kanilang bouquets. Hindi pa rin maalis sa mukha ni Angel ang pagtataka at pagkalito dahil sa nabubuong tensyon at kompetisyon sa pagitan ng tatlo.

Dahil dito, hindi na napigilan ni Angel na sabihin sa kanila na mayroon siyang malaking problemang pinagdadaanan ngayon, kaya hindi muna niya mapoproseso o mapagtutuunan ng pansin ang kanilang mga pag-amin. Hiniling din niya na iwan muna siya mag-isa upang maayos ang kaniyang kinakaharap na suliranin.

Matapos ito, kinausap ni Adie (Princess Aliyah) ang tatlo at pinagsabihan sila tungkol sa nangyaring sabay-sabay na pag-amin. Gayunpaman, hindi pa rin maalis sa isip nina Miguel, Calix, at Zion ang sinabi ni Angel na mayroon itong malaking pinagdadaanan.

Kaya naman, nagkasundo ang tatlo na isantabi muna ang kanilang pag-amin at ang pagpapaimpress kay Angel. Sa halip, naisipan nilang magtulungan upang alamin ang problema ni Angel at tulungan siyang lutasin ito.

Hindi rin napigilan ng mga tagahanga ng serye na kiligin at matuwa sa tagpong ito ng mga bida, kaya marami ang nagpahayag ng kanilang mga positibong komento sa social media:

Ngayong huling Miyerkules, abangan kung paano gagawan ng paraan ni Angel na matunton ang kaniyang pamilya na ipina-kidnap ni Serina (Kazel Kinouchi).

Matuklasan kaya ni Enrico (James Blanco) na kinokontrol ni Serina ang kaniyang anak upang pigilan ang kanilang nakaambang divorce?

Ano kaya ang gagawin nina Miguel, Calix, at Zion upang matulungan si Angel?

Abangan ang mas tumitindi at mas kapanapanabik na FINALE week ng You're My Favorite Song, ngayong linggo, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!