GMA Logo Kazel Kinouchi and Caprice Cayetano
Source:You’re My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Serina, determinadong pabagsakin si Angel at ang Gran Vista Resort

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 8, 2026 3:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Castro on Sara Duterte 'bloodied' remark: She wants bloodbath
Purok official burned to death in GenSan fire
Meet the Saranggola Society

Article Inside Page


Showbiz News

Kazel Kinouchi and Caprice Cayetano


Abangan kung paano aalipustahin ni Serina (Kazel Kinouchi) si Angel (Caprice Cayetano) sa You're My Favorite Song!

Tuloy pa rin sa paghihiganti si Serina sa kaniyang pamilya na sina Lolo Xavi (Boboy Garrovillo) at Mama Bebe (Katya Santos). Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pagbili sa pangarap na dream resort nitong Gran Vista Resort na siyang itinaguyod ni Angel.

Noong nakaraan, nagplano si Serina na sirain ang resort kung saan nag-hire siya ng mga bata upang gawin ito. Natuklasan ito ng pamilya Dimaculangan na nagdulot ng labis na pag-aalala sa kanila para sa kalagayan ng itinayong resort.

Kamakailan din, nakaharap na rin ni Angel ang kaniyang tita Serina. Hindi naging maayos at maganda ang una nilang pagkikita dahil ipinakita agad ni Serina ang kaniyang tunay na ugali. Ipinahayag niya ang galit sa pamilya at ang kagustuhan nitong mapatalsik ang pamilya ng dalaga palabas ng Solmera City.

Hindi rin napigilan ni Serina na saktan at itulak si Angel kung kaya't napaupo ito. Sakto namang dumating ang asawa nitong si Enrico Montaverde (James Blanco) na siyang nagpatigil kay Serina at tumulong kay Angel na bumangon.

Noong episode noong Martes, July 7, may maitim na plano muling isinagawa si Serina para mapabagsak ang Gran Vista Resort. Binayaran niya ang staff ng resort ng pamilya Dimaculangan upang kumbinsihin ang mga ito na mag-resign, na nagbunsod nga sa isang matinding mass resignation.

Ngayong Miyerkules, titindig si Angel para kausapin si Serina upang itigil na ang panggugulo at pagtatangkang bilhin ang resort ng kanilang pamilya. Ngunit tila hindi magugustuhan ni Serina ang tapang na ito na ipapakita ni Angel.

Paano kaya haharapin ni Angel ang galit ni Serina?


Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!