GMA Logo Youre My Favorite Song
Source: You're My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Simula na ba ng paligsahan para sa puso ni Angel?

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 16, 2026 3:38 PM PHT
Updated July 16, 2026 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOH spox Domingo now NNC executive director
This Makati restaurant hosted Bea Alonzo and Vincent Co's intimate wedding reception
Fish kill hits Lake Sebu; growers rush to save stocks

Article Inside Page


Showbiz News

Youre My Favorite Song


Simula na kaya ang matinding kompetensya sa pagitan nina Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) para sa puso ni Angel (Caprice Cayetano)? Abangan sa 'You're My Favorite Song'!

Hindi nagpapahuli ang sunud-sunod na mga rebelasyon at plot twist sa GMA Afternoon Prime series na You're My Favorite Song! Mula sa hindi matagumpay na pagpapapatay ni Serina (Kazel Kinouchi) kay Enrico (James Blanco), hanggang sa pagkakabunyag kay Lady Mara (Wilma Doesnt) na buhay pa ang tagapagmana ng mga Monteverde na si Celestine—talagang napapakapit ang lahat sa bawat episode.

Bagama't puno ng drama at aksyon, hindi pa rin mawawala ang matinding kilig na hatid nina Angel (Caprice Cayetano), Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa) tuwing hapon.

Matapos mabunyag kay Angel na si Miguel pala ang misteryosong si Captain Serenade, pumasok si Miguel sa Brighton Bay Academy. Bukod sa payo ng mga doktor na mag-hiatus muna ito sa bandang Siklab, ginawa niya ito upang mas makasama si Angel at maipagtanggol ang dalaga mula sa bully at academic rival nitong si Calix.


Dahil sa kaniyang pagpasok sa paaralan, mas nagkaroon sila ng oras para sa isa't isa. Naging madalas din ang kanilang review sessions sa library kung saan tinuturuan ni Angel si Miguel at ang kaibigan nitong si Jacob (Geo Mhanna).



Sa kabilang banda, naging tunay na shoulder-to-cry-on si Angel para sa kaniyang matalik na kaibigang si Zion. Ito ay matapos pahiyain at i-reject si Zion ng kaniyang school crush na si Charm (Waynona Collings) sa mismong birthday surprise na inihanda ng binata.

Hindi lang nilait ni Charm si Zion—binuhusan pa niya ito at si Angel ng pintura, na labis na ikinalungkot ng binata dahil sa nasayang na effort at oras.


Pagkauwi sa Gran Vista, pinalakas ni Angel ang loob ni Zion at ipinaalala rito na napakaswerte ng babaeng mamahalin niya dahil sa pagiging isang tunay na "green flag" nito.



Nalaman na rin ni Calix ang katotohanan: si Charm pala ang tunay na may pakana sa kumakalat na fake video at hindi si Angel, matapos umamin ang kaibigan nilang si Adie (Princess Aliyah).

Dahil sa galit, nagplano ang grupo ni Calix na pahiyain si Charm, dahilan upang maging tampulan ito ng katatawanan sa buong Brighton Bay.



Lumambot ang puso ni Calix nang ma-realize niyang maling-mali ang kaniyang ginawang paghihiganti kay Angel na wala namang kaalam-alam. Upang makabawi, tinulungan siya ni Adie na ibili ng Boracay trip tickets ang pamilya Dimaculangan—isa sa mga pangarap sa bucket list ni Lolo Xavi (Boboy Garrovillo).


Bagama't nag-aalinlangan noong una si Angel, naalala niya ang pangalang “Mr. Moon” nang banggitin ito ni Lolo Xavi. Ito rin ang misteryosong tao na bumili ng mga concert ticket ng Siklab upang makatulong sa gastusin sa ospital ng kaniyang lolo noon. Kasama ang kaibigang si Raviel (Lee Victor), personal ding humingi ng tawad si Calix kay Angel.

Sinubukan din ni Calix na kausapin si Angel nang personal, kasama ang kaibigang si Raviel (Lee Victor), upang humingi ng tawad.

Dahil sa pagkakapahiya sa buong paaralan, naghiganti si Charm sa pamamagitan ng pagtawag sa kaniyang manliligaw mula sa kabilang eskwelahan upang ipabugbog si Calix.


Dahil dito, nalagay sa matinding kapahamakan ang buhay nina Angel at Calix!

Sa episode noong Miyerkules, July 15, tila may namumuong maliit na tensyon sa pagitan ng tatlong lalaki sa buhay ni Angel na sina Miguel, Calix, at Zion matapos tila pag-agawan ng tatlo ang test paper ni Angel na aksidente niyang nahulog sa sahig.


Ito na nga ba ang simula ng opisyal na paligsahan para makuha ang puso ni Angel? Mas mapalapit kaya si Miguel sa kaniya sa patuloy na pagsasama sa Brighton Bay? Mahulog kaya ang loob ni Zion dahil sa pagiging laging nandiyan ng kaniyang best friend? Magtuloy-tuloy na kaya ang magandang samahan nina Calix at Angel matapos ang lahat ng pagsubok?

Abangan lahat ng kapanapanabik na mga tagpo sa You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!