GMA Logo Heath Jornales and Caprice Cayetano
Source:Youre My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Sweet moments nina Angel at Miguel, kinakiligan!

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 13, 2026 2:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Anong Latest? (July 13, 2026) | Balitanghali
4 Lanao del Sur brgys under state of calamity due to landslide, floods
This upcoming GMA Lifestyle podcast is made for Gen Zs and young achievers

Article Inside Page


Showbiz News

Heath Jornales and Caprice Cayetano


Umaapaw na kilig ang ipinadama muli nina Angel (Caprice Cayetano) at Miguel (Heath Jornales) sa 'You're My Favorite Song!'

Bilang bahagi ng patuloy na paghihiganti at masamang plano ng Montaverde empire laban sa pamilyang Dimaculangan, nagsagawa ng panibagong pananabotahe si Serina.

Sa episode noong Martes, July 7, sinuhulan ni Serina ang mga staff ng Gran Vista Resort upang sabay-sabay na magbitiw sa tungkulin. Ang nasabing mass resignation ay hakbang ni Serina upang magdulot ng kaguluhan sa operasyon ng resort at tuluyang mapabagsak ang kaniyang mga kinamumuhiang kaaway.

Nagkainitan sina Angel at Serina matapos magmakaawa ng una na itigil na ang paninira sa resort. Dahil sa inis, pisikal na sinaktan ni Serina si Angel.

Agad namang dumating si Mama Bebe upang iligtas ang bata, na humantong sa pagbubunyag ni Serina ng kaniyang matinding galit dahil sa pagkamatay ng kaniyang anak; bagay na mariing itinanggi ni Mama Bebe bilang isang trahedya at aksidente lamang.

Nagbago ang ihip ng hangin nang mag-alok ng tulong si Adie (Princess Aliyah) kay Angel matapos saksihan ang kalupitan ni Serina. Bilang ganti, hinack ni Adie ang website ng Montaverde Resort, na labis namang ikinagalit ni Serina.

Bukod kay Adie, isa pang tumulong kay Angel upang mapabalik ang mga customer at bisita sa Gran Vista Resort ay ang kaniyang kaibigan at bagong kaklase na si Miguel.

Upang matulungan ang kaibigan na makahakot ng mas maraming tagatangkilik, nagsagawa si Miguel ng isang espesyal na pagtatanghal sa pamamagitan ng kaniyang disguise bilang si Captain Serenade, ang sikat na singing busking bear.

Laking gulat nina Mama Bebe (Katya Santos) at Lolo Xavi (Boboy Garrovillo) nang malaman nilang ang taong tumulong sa kanila ay walang iba kundi ang sikat na miyembro ng bandang Siklab na si Miguel.

Bukod sa kaniyang sweet gesture ng pagtulong, labis din ang kilig na hatid ng naging caring at thoughtful na pagtugon ni Angel matapos ang matagumpay na performance ni Captain Serenade sa resort.

Dahil dito, muling naging usap-usapan sa social media ang tambalan nina Angel at Miguel, na ikinatuwa ng mga masusugid na manonood at tagahanga na patuloy na sumusubaybay sa kuwento.


Ano kaya ang mga susunod na kapana-panabik at nakakakilig na tagpo sa pagitan nina Angel at Miguel?

Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!