
Kinilala ang Sparkle actress na si Ysabel Ortega sa katatapos lamang na 11th Inding-Indie Excellence Awards na ginanap sa Camelot Hotel, Quezon City noong Linggo, May 24.
Naiuwi ni Ysabel ang Most Outstanding, Versatile, and Phenomenal Television Actress of the Modern Era award.
Sa kanyang speech, pinasalamatan ng aktres ang Inding-Indie Excellence Awards para sa natanggap na parangal.
"First of all, I would like to say thank you so much Inding-Indie for this award. Actually, this is my very first award for my work in television. Thank you so much for this. I'm so grateful to be honored by this award-giving body," sabi ni Ysabel.
Sa katatapos lamang na superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, minahal ng manonood si Ysabel bilang Armea, ang hara (reyna) ng Sapiro.
Ngayon, abala ang aktres sa paghahanda para sa bagong role sa upcoming GMA Prime series na Hari ng Tondo.
Congratulations, Ysabel Ortega!
Related content: