
Inamin ni Ysabel Ortega na hindi siya apektado sa pagbabahagi ni Miguel Tanfelix ng kaniyang mga naging previous relationships sa isang interview.
Inilahad ito ni Ysabel sa kaniyang pagbisita sa Sarap, 'Di Ba? sa segment na "Trip to the Hot Seat".
Tanong kay Ysabel, "Hindi ka ba naapektuhan sa pag-amin ni Miguel sa Fast Talk with Boy Abunda ng mga babaeng na-link sa kaniya?"
Sagot naman ng Voltes V: Legacy actress, "Ako po, hindi."
Paliwanag ni Ysabel ay parte ang past nila sa pagkilala nila sa isa't isa.
"Kasi 'yun naman po 'yung for example, kinikilala mo 'yung isang tao. I feel like dapat transparent kayo sa tao na 'yun. For me, there's nothing wrong naman or kailangang ikagalit sa kung ano man 'yung napag-usapan namin in the past."
Saad pa ni Ysabel ay open si Miguel sa kaniya sa mga nangyari sa kaniyang past relationships.
"Hindi po ako naapektuhan pero na-appreciate ko rin na he was very open with me and open din naman siya to everyone kung ano 'yung, and things that happened in the past, kung sino 'yung mga nakasama niya in the past."
Dugtong pa ni Ysabel, "Ako po, hindi po ako naapektuhan, in fact, na-appreciate ko."
Ayon sa aktres, siya ay kasulukuyan pa ring nililigawan ni Miguel.
SAMANTALA, BALIKAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA MIGUEL AT YSABEL SA KAPUSO PROFILES SHOOT: