
Puno ng "side quests" ang buwan ng June para kay Kapuso actress Ysabel Ortega.
Pinagkaabalahan ni Ysabel ang quality time kasama ang pamilya, mga kaibigan pati na ang kanyang sarili.
Kabilang sa mga sinubukan ng aktres ng rock climbing at bouldering, pagpipinta, pagluluto, pagbabasa ng libro, at pag-e-exercise.
Nakipag-bonding din siya sa kanyang mga kaibigan at kapwa Kapuso actresses na sina Sophia Senoron at Elle Villanueva.
Ibinahagi ni Ysabel ang ilang highlights ng nakaraang buwan sa Instagram.
"side quest month," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Nakatakda namang maging bahagi si Ysabel ng upcoming teleserye na Hari ng Tondo na pagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at primetime action hero Ruru Madrid.
Iikot ang kuwento ng serye sa mga taong hinubog ng Tondo.
Pinaghahandaan ni Ysabel ng serye sa pamamagitan ng muling pagsasanay sa gymnastics.
Bukod kina Dennis, Ruru, at Ysabel, bahagi rin ng serye sina Rocco Nacino, Ryza Cenon, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Isko Moreno.
Si Enzo Williams naman ang magsisilbing direktor ng serye.
SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG HARI NG TONDO DITO: