GMA Logo Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix
What's on TV

Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, napag-uusapan na rin ang kasal

By Kristian Eric Javier
Published March 12, 2025 9:51 AM PHT
Updated March 12, 2025 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix


Handa na bang magpakasal sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix?

Sa pagbisita ni Ysabel Ortega, kasama si Julie Anne San Jose, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, March 11, inamin niyang napag-uusapan na nila ng boyfriend at kapwa Kapuso na si Miguel Tanfelix ang kasal. Ngunit aniya, hindi pa ito mangyayari soon.

Sa naturang Afternoon Prime talk show, sinabi ni King of Talk Boy Abunda na nakikita niyang ikakasal na sa 2027 sina Ysabel at Miguel. Ngunit sabi ng aktres, sa ngayon, ay mas pinagtutuunan muna nila ng boyfriend ng kani-kanilang mga sarili.

“We talked about how we're going to handle our relationship now na nasa separate shows na kami. Parang we had the time na to develop and work on what we have so ngayon, we're focused naman on growing as solo people, growing ourselves mismo,” sabi ni Ysabel.

Dagdag pa ng aktres ay priority nila “for the next few years” ang mag-grow individually habang nasa isang relasyon sa isa't isa.

“It's something we talked about, pero feeling ko hindi pa po sa 2027. But definitely, it's something we're talking about naman,” paglilinaw ng aktres.

BALIKAN ANG ILAN SA SWEETEST PHOTOS NINA YSABEL AT MIGUEL SA GALLERY NA ITO:

Matatandaan na sa panayam ni Nelson Canlas sa ina ni Miguel na si Mommy Grace Tanfelix para sa 24 Oras nitong March 3, sinabi nitong okay para sa kaniya si Ysabel para sa anak.

“Walang halong ano, mabait si Ysabel. Genuine 'yung kabaitan nu'ng bata,” sabi ni Mommy Grace patungkol kay Ysabel.

Sinabi rin nitong tingin niya ay wala pa naman balak magpakasal sa ngayon sina Miguel at Ysabel. Sa katunayan, pag-amin ni Mommy Grace, kapag tinatanong niya ang anak kung kailan ito magpapakasal, ang sagot umano ng 26-year-old actor, “Siguro daw mga 30 plus.”

Kamakailan ay nagpakita rin ito ng suporta sa relasyon nina Ysabel at Miguel nang mag-post ito ng litrato kasama ng dalawa.

Caption ni Mommy Grace sa kaniyang post, “With YsaGuel!”