
Sumalang sa Fast Talk with Boy Abunda ang Voltes V: Legacy star na si Ysabel Ortega noong Biyernes, March 31.
Isa sa mga pinag-usapang paksa ang personal na buhay ng aktres, kabilang na ang kaniyang relasyon sa amang si Lito Lapid.
Ano kaya ang reaksyon ng tao kapag nalalaman na ang actor-turned-politician ang biological dad niya?
"Nagugulat po sila, usually, kasi ako naman din po, unless people know about it or people ask, I never really talk about it din naman po kaya nagugulat sila," bahagi ni Ysabel. "When I start talking about my dad, that's when they fully understand and that's when they fully find out."
Tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung mayroon silang relasyon ng kaniyang ama, bagay na sinagot nang totoo ng Sparkle artist.
"Growing up po, I was very close with my dad and I always talked about it, I'm always grateful for it. I mean, of course, there was a time when people who knew about it, there was a rough patch po pero it always happens in families," tugon ni Ysabel. "Palagi naman pong 'di nagkakaroon ng pagkakaintindihan sometimes."
Nilinaw din naman agad ni Ysabel na tapos na ang kung ano man ang hindi nila pagkakaunawaan ng ama niyang si Lito noon.
Dugtong niya, "But grateful po ako kasi now we're okay. Now we get to talk to each other, we see each other from time to time so... what matters is now."
Ayon pa sa aktres, hindi rin daw nagkulang ang kaniyang ama sa pagsuporta sa kaniyang pag-aaral ng abogasya.
Samantala, grateful din si Ysabel dahil nakahanap siya ng father figure sa stepdad niyang si Greg Pimentel, na asawa ng singer-actress mommy niyang si Michelle Ortega.
Maluha-luhang sambit ni Ysabel, "I know na it's not easy to treat someone or treat someone else's daughter as your own. So I'm just very grateful kasi I found a father in Daddy Greg and I know it's not easy to accept that he treats me like his own daughter and I'm very happy to say na now I have a family, I have a whole family."
Hindi raw showy sina Ysabel at stepfather niya sa isa't isa pero thankful ang aktres dahil tinanggap siya nito at itinuring na tunay na anak.
Panoorin ang buong panayam ni Boy Abunda kay Ysabel Ortega dito:
NARITO ANG IBA PANG ANAK NG CELEBRITIES NA PINASOK DIN ANG MUNDO NG SHOWBIZ: