GMA Logo sanggre
What's on TV

Yugtong 'Bagong Simula' sa 'Sang'gre', trending online!

By Kristine Kang
Published May 8, 2026 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Fashion meets culture at Blue Tab star-studded event
Marcos eyes adoption of ASEAN leaders' maritime cooperation declaration
Boy rescued from spring where he almost drowned in NegOr

Article Inside Page


Showbiz News

sanggre


Huwag palampasin ang epic finale ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' ngayong gabi!

Puno ng damdamin at pag-asa ang natunghayan ng Encantadiks at viewers kagabi sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Halu-halo ang emosyon ng lahat nang bumalik na ang kapayapaan sa mga kaharian sa patuloy na pagtulong ng mga Sang'gre na sina Flamarra (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali).

Labis na natuwa rin ang viewers sa bagong simula ng mga dating Sang'gre na sina Pirena (Glaiza de Castro), Danaya (Sanya Lopez), Alena (Gabbi Garcia), at Amihan (Kylie Padilla) na ganap nang mga bagong Bathaluman.

Naantig naman ang mga puso nang nagkaroon ng bagong katawan si Lira (Mikee Quintos) at ipinanganak ang bagong Sang'gre na si Ybrahima.

Samantala, kilig overload din ang fans nang sa wakas nagwagi ang pagmamahalan ni Hara Armea (Ysabel Ortega) at ang Mine-a-ve na si Daron (Jon Lucas).

Sa mga naganap sa istorya, kaagad pinusan ng fans ang naturang episode online at sa telebisyon.

Kaagad din nag-trending ang #SanggreBagongSimula sa X (formerly Twitter), kung saan buhos ang naging excitement at saya ng fans.

"MY BABIES ARE NOW BATHALUMANS!! GOOSEBUMPS AND WELL-DESERVED,"ani ng isang fan.

"Y'all don't know how this scene means so much to me! It's like looking at my own daughter becoming a mom while her dearest sister was by her side the whole time! Time flies so fast, one of my twins is already a mom, while the other is officially a 'Tita' , dagdag ng isa pa tungkol kanila Lira at Mira.

Huwag palampasin ang epic finale ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

NARITO ANG ILAN PANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA EPIC FINALE WEEK NG SANG'GRE: