
Isang bagong P-Pop group ang makikilala ng YUMI sa Born to Shine! At sa unang pagkakataon, makakasama naman nila ang gaya nilang female P-Pop group.
Kamakailan lang ay naka-collaborate ng YUMI, na binubuo nina Jeni (Zephanie), Megan (Olive May), Alfea (Naya Ambi), Yuna (Mitzi Josh), at Nancy (Gaea Mischa), P-Pop boy groups na BGYO at VXON.
Ngunit sa pagkakataong ito, isang girl group naman ang makikilala nila!
Sa post ng GMA Drama, nagbigay na ng clue kung sinong grupo ang makikilala ng YUMI. Saad sa post, “The P-Pop Aphas are coming! Abangan ang kanilang pagdating sa #BornToShine! #WatchFromHome na tuwing Lunes-Sabado ng 2:30 PM sa GMA Afternoon Prime!”
Maging bagong kaibigan kaya ng YUMI ang grupong ito, o bagong makakalaban?
Abangan sa Born to Shine!
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGANAP SA GUESTING NG YUMI SA 2026 FILIPINO DIASPORA SUMMIT SA GALLERY NA ITO: