GMA Logo Zack Tabudlo, LANY
Source: zack.tabudlo (Instagram)
What's Hot

Zack Tabudlo posts a photo with Paul Klein and Jake Gross of LANY

By Jimboy Napoles
Published May 12, 2022 7:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Zack Tabudlo, LANY


May niluluto nga bang collaboration song sina Zack Tabudlo at Paul Klein ng LANY?

Usap-usapan ngayon online ang larawan na ipinost ng OPM singer na si Zack Tabudlo sa kanyang Instagram account kung saan kasama niya ang ilang miyembro ng international band na LANY na sina Paul Klein at Jake Gross.

A post shared by Zack Tabudlo (@zack.tabudlo)

Bagamat hindi pa tukoy kung ito ay para sa collaboration ng singer at ng banda, maraming fans na ni Zack ang na-excite at nagpahayag ng suporta para sa kanya, kabilang na rito ang Kapuso star na si Kokoy de Santos, kapwa OPM singer na si Moira dela Torre, at social media star na si Mimiyuuuh.

Samantala, naging matagumpay rin ang mga awitin ni Zack na “Elizabeth” kung saan tampok sa music video nito si Cassy Legaspi at “Huwag Mong Paluhain” kung saan naman kasama ang tambalang Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Balikan ang ilan sa behind-the-scene photos sa music video ng “Elizabeth” sa gallery na ito.