GMA Logo zeinab harake and ray parks jr
Courtesy: Zeinab Harake (YouTube)
Celebrity Life

Zeinab Harake at Ray Parks Jr., enjoy sa kanilang romantic getaway sa France

By EJ Chua
Published July 24, 2026 5:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trabahador, patay nang mabagsakan ng mga granite slab sa Cebu
Pangasinan schools seek more classrooms, teachers, repairs
Local mobile network launches AI and Cloud products

Article Inside Page


Showbiz News

zeinab harake and ray parks jr


Nasa honeymoon era pa rin ang celebrity couple na sina Zeinab Harake at Ray Parks Jr.

May bagong adventure na na-unlock together ang newlyweds na sina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr.

Sa latest YouTube vlog ni Zeinab, masaya nilang ipinasilip ang mga pinuntahan at activities na kanilang ginawa sa kanilang bakasyon sa France.

Kinakiligan ng viewers ang kulitan ng couple sa pagbisita nila sa ilang tourist spots doon.

Ibinida rin nila sa video ang napakagandang view ng iconic Eiffel Tower ng Paris, na kitang-kita mula sa lugar kung saan sila nag-stay.

Ayon sa vlogger-actress, ang kanilang sunud-sunod na trips abroad ay parte pa rin ng kanilang honeymoon.

Sa kasalukuyan, mayroon nang more than 650,000 views ang bagong vlog ni Zeinab sa YouTube.

Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang dreamy wedding nina Bobby Ray Parks Jr. at Zeinab Harake.

Naganap ang kanilang kasal noong June 1, 2025, sa Tagaytay City.

Isinapubliko nila ang tungkol sa kanilang engagement noong July 7, 2024.

Related gallery: A look at the grand wedding of Zeinab Harake and Bobby Ray Parks Jr.