GMA Logo Zeinab Harake
Courtesy: zeinab_harake (IG), niceprintphoto (IG)
What's Hot

Zeinab Harake, paano hinaharap ang bashing?

By EJ Chua
Published October 15, 2024 11:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Zeinab Harake


May natutunan si Zeinab Harake mula sa kanyang bashers. Ano kaya ito? Alamin dito.

Si Zeinab Harake ang isa sa mga kilalang-kilala ngayon sa mundo ng vlogging.

Dahil dito, talaga namang marami ang nakasubaybay sa bawat kilos o anumang ganap sa kanyang buhay.

Naimbitahan si Zeinab na mag-guest sa latest vlog ni Viy Cortez, kung saan pinag-usapan ang tungkol sa bashers ng una.

Isa sa mga itinanong ni Viy sa vlogger-actress ay kung paano niya hina-handle ang bashing.

Sagot ni Zeinab, “Actually, hindi pwedeng hindi ka affected eh. Tantanan n'yo ko sa mga 'di affected sa basher eh. Kasi kahit na wala ka namang ginagawang masama, tapos sisitahin ka, napapaisip ka.”

Ayon sa kanya, mayroon siyang mahalagang natutunan mula sa mga natanggap niyang hate comments o pamba-bash.

“Lately, natuto ako na hindi pala dapat inilalabas ko. Tingnan mo sobrang tahimik na ng buhay ko.”

Dagdag pa niya, di baleng hindi maingay 'yung pangalan ko basta wala akong issue. Ayun nahanap ko 'yung peace sa kaka-bash nila.”

Sabi pa niya, ngayon ay mas pinili na niyang maging private, kumpara noon na halos lahat ng mga nangyayari sa kanyang buhay ay ipinapakita niya sa kanyang vlogs.

“Magbi-video na lang ako kapag may kailangan akong i-content na… siyempre obligasyon mo 'yun sa fans, lalo sa mga sumuporta sa 'yo,” pahayag ng vlogger.

Si Zeinab Harake ay engaged na sa kanyang partner at basketball player na si Bobby Ray Parks Jr., habang si Viy Cortez naman ay kasalukuyang ipinagbubuntis ang ikalawang baby nila ni Cong Velasquez.