GMA Logo Zeinab Harake
Courtesy: zeinab_harake (IG) and Zeinab Harake (YouTube)
Celebrity Life

Zeinab Harake, proud na first time mag-travel na walang kasamang kamag-anak

By EJ Chua
Published February 6, 2023 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP arrests Atong Ang co-accused in missing sabungeros case in Batangas
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Zeinab Harake


Zeinab Harake on her Indonesia trip: “Kaya ko nang mag-isa.”

Isa si Zeinab Harake sa vloggers sa Pilipinas na mayroong milyun-milyong subscribers sa YouTube.

Sa kaniyang latest vlog, proud na ibinahagi ni Zeinab ang ilang kaganapan sa kaniyang Indonesia trip kung saan ayon sa kaniya ay first time raw na wala siyang kasamang kaanak.

Kapansin-pansin na nag-enjoy si Zeinab sa Indonesia kahit ang kasama lang niya na ay ang kaniyang mga kaibigan na sina Awra Briguela at Glenda Victorio, CEO ng isang sikat na beauty brand.

Sa previous vlogs kasi ng kilalang content creator, madalas niyang kasama ang kapatid niya na si Rana Harake tuwing aalis o magpupunta sa ibang bansa.

Binanggit ni Zeinab sa kaniyang vlog na sanay siyang laging kasama ang kaniyang bunsong kapatid at sanay siya na laging may umaalalay o nag aasikaso sa kaniya na isa sa Team Zebby.

Ayon pa sa kaniya, kahit kasama niya si Awra sa Indonesia ay hindi raw niya ito mauutusan dahil itinuturing niya itong anak na tinawag niya pang “baby star” daw niya.

Sa kalagitnaan ng kaniyang pinakabagong vlog, sinabi niya na magiging proud ang kaniyang kapatid sa kaniya dahil nakaya niyang ito niya ito kasama.

Pagbabahagi niya “Magiging proud na sa akin si Rana nito.”

“Sana sa susunod kong mga travel mag-isa na lang din ako, dahil kaya ko nang mag-isa,” pabiro niya pang idinagdag.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 870,000 views ang vlog ni Zeinab tungkol sa kaniyang Indonesia trip.

Sa isa sa kaniyang previous interviews, nabanggit ng naturang content creator na ang pagbiyahe niya ng ilang araw sa ibang bansa ang magsisilbing bakasyon niya mula sa kaniyang mga trabaho sa Pilipinas.

Bukod sa pagiging vlogger, si Zeinab ay ang ex-girlfriend ng local rapper na si Skusta Clee at ang hands on mom nina baby Zebbiana at Lucas.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SEXIEST LOOK NI ZEINAB HARAKE SA GALLERY SA IBABA: