GMA Logo Zeinab Harake, Ray Parks Jr, Bia, Lucas
Courtesy: Zeinab Harake (YouTube)
Celebrity Life

Zeinab Harake, Ray Parks Jr., ipinasilip ang bagong bahay

By EJ Chua
Published November 29, 2024 6:50 PM PHT
Updated November 29, 2024 7:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Zeinab Harake, Ray Parks Jr, Bia, Lucas


Bakit kaya lalong humanga ang netizens kina Zeinab Harake at Ray Parks Jr. nung ipakita ang kanilang bagong bahay? Alamin DITO.

Masayang ipinasilip nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr. ang kanilang bagong tahanan.

Sa latest vlog ni Zeinab sa YouTube, sabay silang nagpa-virtual house tour na ayon sa kanila ay matagal nang hinihiling ng kanilang fans at subscribers.

Mapapansin sa video na talaga namang napakaganda ng kanilang bagong bahay.

Ipinasilip nila sa netizens ang kanilang kwarto, kwarto nina Lucas at Bia, at iba pang parte nito.

Sa comments section, mababasa na lalong humanga ang netizens kina Zeinab at Ray nung ipakita nila ang maayos na tinutulugan ng kanilang mga kasambahay at drivers.

Binanggit ng vlogger na mahalaga sa kanila na mayroong komportableng space ang kanilang mga kasama at nakakatulong sa araw-araw nilang pamumuhay.

Bobby Ray Parks Jr.'s daddy moments with Zeinab Harake's kids Lucas and Zebbiana

Bukod dito, kinagiliwan din ng netizens ang sweetness nina Zeinab at Ray at ang kanilang mga ginagawa para sa kanilang pamilya.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 904,000 views ang latest vlog na ito sa YouTube.

Ang famous vlogger na si Zeinab ay engaged na kay Ray Parks Jr., isang basketball player at itinuturing na daddy nina Lucas at Bia.

RELATED GALLERY: Zeinab Harake and Ray Parks' dreamy and grandiose engagement