GMA Logo Zeinab Harake and Bobby Ray Parks Jr
Celebrity Life

Zeinab Harake shares sweet snaps with Bobby Ray Parks Jr. on the beach

By EJ Chua
Published June 14, 2023 10:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Zeinab Harake and Bobby Ray Parks Jr


Magkasamang nagbakasyon ang vlogger na si Zeinab Harake at ang basketball player na si Bobby Ray Parks.

Viral ngayon sa social media ang latest photos nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr. habang sila ay nasa beach.

Magkasamang nagbakasyon ang dalawa at tila kumpirmado na kung ano na ang kanilang relationship status.

Sa Facebook page ng vlogger na si Zeinab na mayroong 12 million followers, ibinahagi niya ang dalawang larawan kung saan makikitang sweet na sweet sila ng Filipino-American basketball player na si Bobby.

Mapapansin sa unang larawan na magkatitigan ang dalawa, habang sa ikalawang larawan naman ay makikitang buhat ni Bobby si Zeinab.

Mababasa sa caption ng vlogger, “Finally at peace [heart emoji].”

Ayon sa netizen na si Judy Ann Mahusay, “The design is very Marimar.”

Ang ilang netizens naman ay nagpaabot ng pagbati kay Zeinab at sinabing masaya raw silang happy na ang kanilang iniidolo.

Samantala, si Zeinab ay ex-partner ng local rapper na si Skusta Clee.

Habang magkarelasyon noon ay nagkaroon sila ng isang babaeng anak at iyon ay si baby Zebbiana.

Bukod sa pagba-vlog, tila papasukin na rin ni Zeinab ang mundo ng showbiz.

Kamakailan lang, masayang ibinahagi ng vlogger na abala siya sa kanyang acting workshop kasama ang kilalang acting coach na si Ana Feleo.

SILIPIN ANG SEXIEST PHOTOS NI ZEINAB HARAKE SA GALLERY SA IBABA: