
Bagamat nahihirapan, buong puso pa rin ang binibigay ni Zeinab Harake sa kanyang unang acting project, ang (K)ampon, isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival ngayong 2023. Ito ay pabibidahan nina Beauty Gonzalez at Derek Ramsay.
“Sobrang hirap niya, talagang umiiyak ako para sa preparation nitong movie. Hindi naman ganun kababad yung part ko dun pero the way na ine-effort-an siya ng management ko at ng sarili ko… Talagang puyat-puyat ako rito, hinati-hati ko na yung katawan ko rito para lang mapaghandaan ko yung project na 'to.”
“Kasi, ayaw ko nga pong may mapahiya na mga taong naniniwala sa akin. Sila talaga yung tinitingnan ko. Ayaw kong ma-disappoint yung mga taong naniniwala pa rin sa akin, na may kaya naman talaga akong ibuga,”paglalahad ni Zeinab nang makapanayam siya ng GMANetwork.com at ilang piling entertainment media kamakailan.
Aminado ang social media star na si Zeinab na hindi niya inaakalang mabibigyan siya ng ganitong pagkakataon, lalo na't ilang beses din siyang sumubok at nabigong pasukin ang showbiz.
Aniya, “Noong una, hindi talaga. Parang feeling ko hindi naman ako para diyan. Kasi, nag-try naman ako ng mga auditions before, parang hindi ako nakakapasok.
“'Tapos, noong pinasok ko ang vlogging, maraming doors na nag-open. Two years nga akong hindi talaga tumatanggap ng any project sa showbiz.
“Thankful naman ako. Hindi sa maarte ako, alam ko lang that time na hindi ako sigurado. Ayaw ko naman sumugal ng hindi ako sigurado.”
Ngayong nabigyan na siya ng pagkakataon, sisiguraduhin daw ni Zienab na pagbubutihin ang kanyang bagong career bilang aktres.
“Ngayon kasi, alam kong kaya ko na siyang mapaghandaan, kaya ko na siyang panindigan,” sabi niya.
Sa huli, nabanggit din niya na para ito sa mga anak niyang sina Lucas at Bia.
“As tumatanda ako lately, parang mas gusto kong subsob ako sa trabaho at sa mga anak ko lang. Para sa mga kanila rin naman 'yon, hindi lang para sa akin,” sabi ni Zeinab.
Dagdag pa niya, “Ako, wala talaga akong ibang pinagpapasalamat talaga… After all ng mga nangyari sa buhay ko, ngayon, parang bine-bless ako ni Lord kung ano ang deserve ko. Okay na okay na po ako doon.”
Narito ang ilang pang social media stars na lumabas na rin sa mainstream media: