
Sa ikalimang episode ng youth-oriented show na MAKA, nagkaroon ng duet showdown ang MAKA High students sa grade 8 at grade 9 na parte ng kasunduan ng mga guro na sina Victor (Romnick Sarmenta) at Tonet (Maricar de Mesa).
Hindi pumayag si Victor na umalis sa MAKA High sa kabila ng kumakalat na balita tungkol sa umano'y tunay na dahilan ng pagbabalik niya sa bayan ng MacArthur.
Nakipagkasundo si Victor na hihingi lamang siya ng tawad at tatanggap ng parusa kung matatalo ang grade 8 students niya laban sa grade 9 students ni Teacher Tonet.
Para sa grade 8, ang sumalang sa duet showdown ay sina Zephanie at Dylan Menor kung saan kinanta nila ang "MAKA."
Nakalaban naman nila sa grade 9 sina Chanty at Sean Lucas na ipinerform ang "Makakaya," isa sa original soundtracks ng MAKA.
Sino kaya ang nanalo sa duet showdown ng MAKA High? Panoorin sa video na ito.
Patuloy na subaybayan ang MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA
SAMANTALA, NARITO ANG PASILIP SA ILANG MGA EKSENA SA EPISODE 6 NG MAKA: