
Muling nagpakilig ang MAKA love team na sina Zephanie at Dylan Menor nang kumasa sa "Lie Detector Challenge" kung saan may mga inamin sila sa isa't isa.
Unang tanong pa lamang ay nagkaroon na ng asaran at tampuhan kina Zephanie at Dylan.
Mabilis at natatawang sinagot ni Dylan ng "hindi" ang tanong kung kinikilig nga ba siya sa mga eksena nila ni Zephanie sa MAKA. Makikita naman sa mukha ni Zephanie ang pagtatampo.
Isa pa sa tanong na sinagot nina Zephanie at Dylan ay kung naniniwala ba sila sa love at first sight. Hirit naman ni Dylan sa aktres, "Love at first audition may ganun ba?"
Matatandaan na unang nagkakilala at nagkasama sina Zephanie at Dylan sa kanilang audition sa MAKA kung saan sinabi nila ang mga katangiang gusto nila sa isa't isa.
Parehong "yes" ang naging sagot nina Zephanie at Dylan at, anila, naniniwala sila sa love at first sight.
Sinagot din nina Zephanie at Dylan kung nagkaroon na nga ba sila ng TOTGA (The One That Got Away). Kiligin at alamin ang kanilang mga naging sagot sa video na ito.
Patuloy na subaybayan sina Zephanie at Dylan sa MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA ZEPHANIE AT DYLAN MENOR SA GALLERY NA ITO: