GMA Logo Zephanie on MAKA season 2
Photo by: zephanie (IG)
What's on TV

Zephanie, excited sa bagong cast members at story ng 'MAKA' Season 2

By Aimee Anoc
Published December 27, 2024 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Dec. 16, 2025) | GMA Integrated News
P20.6M illegal drugs seized in Tagbilaran City, Bohol
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie on MAKA season 2


Zephanie sa 'MAKA' Season 2: "Mayroong mga bagong characters. Siyempre new environment. New story for all of us."

Patuloy na umaapaw ang blessings sa showbiz career ni Zephanie dahil sa magkakasunod niyang proyekto maging sa papasok na taong 2025.

Natapos na ang unang season ng MAKA noong December 14 at ngayon ay excited na ang aktres para sa ikalawang season ng hit youth-oriented show na magsisimula sa January 25, 2025.

"Official na po, may season 2 'yung MAKA and we're very excited po na mapag-usapan na 'yung magiging istorya naman po this time," sabi ni Zephanie sa interview kay Lhar Santiago ng 24 Oras.

Excited na rin si Zephanie sa bagong cast members na makakasama sa MAKA at sa bago nitong story at setting.

"Mayroong mga bagong characters. Siyempre new environment. New story for all of us," dagdag niya.

Bukod sa MAKA, abala na rin ngayon si Zephanie para sa bago niyang serye, ang Mga Batang Riles, na magsisimula na sa January 6, 2025 sa GMA Prime.

Congratulations, Zephanie!

MAS KILALANIN SI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO: