
Sa kabila ng pag pangit ng maganda sanang relasyon nina Jeni (Zephanie) at Amelia (Tessie Tomas), may puwang pa rin sa puso ng dalaga para patawarin ang kanyang lola sa Born to Shine.
Sa panayam ni Athena Imperial kay Zephanie para sa 24 Oras Weekend, sinabi ng aktres na mas marami pa silang eksena ng beteranang aktres na dapat abangan ng mga manonood, lalo na ngayon na gumawa na ng paraan si Amelia para magkalapit silang muli.
Ani Zephanie, very professional si Tessie on cam. Pero off cam, "Parang akala mo, masungit siya, pero sobrang kwela. Joker siya, as in, kaya it's so much fun po working with her."
"I'm just grateful po na she's super kind and she's very generous with her wisdom too na sometimes, she's just gonna talk to us and give us advice," sabi ng aktres.
Matatandaan na kamakailan lang ay ipinaalam na ni Minchie (Manilyn Reynes) ang katotohanan sa pagkatao ni Jeni: na anak siya ng anak ni Amelia na si Dio (Rayver Cruz). Nang makumpirma ito ni Dara (Vina Morales) sa pamamagitan ng DNA test, naging lubos ang pagsisisi ni Amelia sa pasakit na ginawa niya sa dalaga.
Matapos magpagamot at magpagaling sa Japan, pinuntahan ni Amelia si Minchie at hiniling dito na pagbigyan siyang makita muli ang apo. Hindi naman sana papayag si Minchie, ngunit naawa siya dito nang malaman na may cancer si Amelia at may taning na ang buhay.
Ngunit dahil sa selos ni Megan (Olive May), hiniling niya sa kanyang lola na huwag nang lumapit pa kay Jeni, bagay na sinang-ayunan naman ni Amelia. Dahil gustong sulitin ang nalalabing oras kasama si Jeni, pinuntahan niya ito sa bahay, dahilan para lalong magalit si Megan at muntik nang saktan si Jeni.
Dahil dito, nagkaroon ng pangamba si Amelia kung tama bang si Megan ang pinili niya.
Panoorin ang panayam kay Zephanie dito:
BALIKAN ANG MGA NAGANAP BEHIND THE SCENES SA 'BORN TO SHINE' MEDIA CON SA GALLERY NA ITO: