GMA Logo Zephanie x Michael Sager
What's Hot

Zephanie, inamin kung ano ang tunay na namamagitan sa kanila ni Michael Sager

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 13, 2022 4:50 PM PHT
Updated September 13, 2022 9:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie x Michael Sager


Magkasamang nanood ng isang musical sina Zephanie at Sparkada member na si Michael Sager na kinakilig ng kanilang mga tagahanga. Ano kaya ang namamagitan sa dalawa?

Marami ang kinikilig at nagtatanong kung ano ang namamagitan sa Kapuso singer Zephanie at Kapuso actor na si Michael Sager.

Magkasama kasing nanood ng musikal na Mula Sa Buwan sina Zephanie at Michael na talaga namang kinakiligan ng kanilang mga kaibigan sa industriya at mga tagahanga.

A post shared by Zephanie (@zephanie)

Bago sila manood ng Mula Sa Buwan, umamin na si Zephanie na si Michael ang crush niya sa Sparkada, kung saan siya ang kumanta ng theme song na 'Kung Ikaw Ang Kasama.'

Nang tanungin naman si Michael kung sino ang gusto niyang maka-love team sa teleserye, binanggit niya ang pangalan ni Zephanie.

Ngunit ayon kay Zephanie, malapit sila ni Michael sa isa't isa dahil magkaibigan na sila bago pa sila maging talent ng Kapuso network.

"Kami po ni Michael, friends na po kami before pa man po kami magsimula sa journey namin with GMA. So, talaga pong nakakatuwa po na, alam niyo po 'yun, nagsimula po kami nang talagang close na kami," masayang kuwento ni Zephanie sa kanyang press conference sa Cornerstone Studios kahapon, September 12.

"Ngayon, nare-recognize ng tao 'yung friendship namin, and 'yung relationship po, so, nakakatuwa rin po na magkasama kami sa work kasi iba din po 'yung pakiramdam na meron ka talagang kasama na mga totoo mong kaibigan."

Mapapanood sina Zephanie at Michael tuwing Linggo sa All-Out Sundays.

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI ZEPHANIE SA MGA LARAWANG ITO: