
Nilinaw ng tinaguriang this generation Pop Princess na si Zephanie sa Fast Talk with Boy Abunda ang real score sa pagitan nila ng Sparkle actor na si Michael Sager.
Sa pagsalang ni Zephanie sa interview kasama ang TV host na si Boy Abunda, isa sa kanilang napag-usapan ay ang tatlong Kapuso actors na hinahangaan niya pagdating sa kaguwapuhan.
Sagot naman ni Zephanie, “Christian Bautista, Miguel Tanfelix, at Michael Sager.”
Mula dito, agad na tinanong ni Boy si Zephanie, “Sino ba si Michael Sager sa buhay ni Zephanie?”
Agad naman na sumagot ang Kapuso singer. “Si Michael Sager po is my best friend and isa po siyang espesyal na tao sa buhay ko na siguro po marami siyang na-contribute sa happiness sa life ko,” nakangiting sinabi ni Zephanie.
Matapos ito, muli namang nagtanong si Boy, “He's a nice guy and he makes you happy, one to ten, ten is magkakaroon na kayo ng young love, nasaan ngayon si Michael Sager?”
“Siguro po mga five to seven…puwede rin pong ten,” nakangiti namang sinabi ni Zephanie.
Matapos ito, ibinahagi naman ni Zephanie ang top priorities niya ngayon sa kaniyang buhay. Aniya, “Unang-una po my family or my loved ones, my career, and my faith.”
Hindi naman pinalampas ni Boy ang pagkakataon na magtanong muli kay Zephanie,“Nasaan doon si Michael?”
“Sa loved ones po siyempre.. I think nasa career din po kasi kasama ko rin po siya sa work e,” tila kinikilig na sagot ni Zephanie.
“So dalawa siya ha,” panunukso naman ni Boy sa teen singer.
Samantala, mapapanood naman sina Zephanie at Michael sa bagong Kapuso series ng GMA na Sparkle U.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SILIPIN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO: