
Kung mayroon mang isang salita na mailalarawan si Zephanie para sa kanyang sarili, ito ay ang pagiging "proud" sa career at buhay na mayroon siya ngayon.
Sa online exclusive ng GMANetwork.com na "Keyword Interview," sinabi ni Zephanie na proud siya sa kanyang sarili.
"Kasi hindi man nakikita ng lahat pero marami na ring naging obstacles, marami ng naging challenges sa life na pinagdaanan si Zephanie, hindi lang sa career niya but even sa personal life niya," paliwanag ng singer-actress.
Pagpapatuloy niya, "I am just happy and grateful that I am still here and still striving, still dreaming of bigger things, not just for herself but also for other people na naniwala at sumusuporta sa kanya hanggang ngayon.
"Of course, Zephanie wouldn't be here without God. Thank you, Lord, for Zephanie's life."
Kasalukuyang napapanood si Zephanie sa inspiring youth-oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA.
Kasama niya sa teen show ang kapwa Sparkle stars na sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty, Sean Lucas, at May Ann Basa, kasama ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Bukod sa MAKA, abala si Zephanie para sa upcoming GMA Prime series na Mga Batang Riles kung saan makikilala siya bilang Yumi.
TINGNAN ANG SPARKLING SHOWBIZ CAREER NI ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO: