GMA Logo Zig Dulay and Firefly poster
What's Hot

Zig Dulay, alay sa namayapang ina ang pelikulang 'Firefly'

By Jimboy Napoles
Published December 25, 2023 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Zig Dulay and Firefly poster


“Espesyal sa akin ang paskong 'to -- ako naman ang magreregalo sa kaniya. Alay ko sa kaniya ang Firefly.” - Zig Dulay

Ibinhagi ng direktor na si Zig Dulay na inspirasyon niya ang kaniyang namayapang ina sa paggawa ng pelikulang Firefly, isa sa 2023 Metro Manila Film Festival entries na mapapanood simula ngayong Pasko.

Sa isang Facebook post, ikinuwento ni Zig kung paano ipinakita ng kaniyang ina ang pagmamahal nito para sa kanila sa tuwing Kapaskuhan.

“Tuwing pasko, mas lalo kong nami-miss ang Inang ko,” sulat ni Zig sa unang bahagi ng kaniyang post.

Pagpapatuloy niya, “Naalala ko, kahit wala naman kaming pera, ginagawan niya ng paraan para magkaroon kami ng bagong damit bilang regalo -- kahit hulugan pa 'yan sa bumbay o kokontratahin niya 'yung kapitbahay para maglaba at magkapera. Gusto niya mapasaya kaming mga anak niya, gusto niya maramdaman namin na espesyal ang kapaskuhan.”

Ayon kay Zig, alay niya ang pelikulang Firefly para sa kaniyang pumanaw na ina.

Aniya, “Espesyal sa akin ang paskong 'to -- ako naman ang magreregalo sa kaniya. Alay ko sa kaniya ang 'Firefly.'"

Ibinahagi rin ng award-winning director kung paano makaka-relate ang bawat isang ina at anak sa kuwento ng Firefly.

“Sa akin, hindi lang siya kuwento ng batang si Tonton - kuwento rin siya ni Elay. Kuwento ito ng isang ina at kung paano niya ginagawa ang lahat ng makakaya niya para pangalagaan, at protektahan ang pangarap ng kaniyang anak.

“Hindi kailanman matatawaran ang pagmamahal ng isang ina - at kung tayo man ay maging alitaptap gaya sa kuwento, 'yung pagmamahal na 'yun ang magsisilbing ilaw natin sa ating paglalakbay, sa pag-abot ng ating mga pangarap,” saad ni Zig.

Dagdag pa niya, “Hanggang ngayon, sa lahat ng proyektong ginagawa ko, ramdam ko lagi't lagi ang paggabay ng aking ina, dala-dala ko ang mga pagpapahalaga at pagmamahal na ipinaramdam niya sa akin. 'Yun ang nagsisilbing ilaw ko sa daan, may bagyo ma't may rilim.”

“Inang, gumawa ako ng pelikula para sa'yo. Nami-miss kita araw-araw,” mensahe ni Zig sa kaniyang ina.

Si Zig ay ang direktor din ng award-winning at Kapuso series na Maria Clara at Ibarra.

Ang pelikulang Firefly ay pinagbibidahan nina Alessandra De Rossi at rising Kapuso child star na si Euwenn Mikaell. Kasama rin dito sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Cherry Pie Picache, Epy Quizon, Max Collins, at Dingdong Dantes.