What's Hot

Zoren Legaspi approves of Cassy Legaspi-Joaquin Domagoso team up: "May chemistry sila, in fairness."

By Dianara Alegre
Published April 7, 2021 11:35 AM PHT
Updated April 7, 2021 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

zoren legaspi cassy legaspi joaquin domagoso


Hanga si Zoren Legaspi sa ipinakikitang husay sa pag-arte ng anak niyang si Cassy Legaspi sa rom-com series na 'First Yaya.'

Proud dad si Kapuso actor Zoren Legaspi sa unica hija niyang si Cassy Legaspi sa husay na ipinakikita nito sa pag-arte sa romantic-comedy series na First Yaya.

Pero hindi lang si Zoren o Carmina Villarroel ang nakakita ng potensyal ng kanilang anak dahil pati ang viewers ay napansin ang talent ng ni Cassy sa pag-arte.

Sa katunayan, laging trending ang young actress sa Twitter dahil sa ipinakikita nitong pagganap sa serye.

Gumaganap siya rito bilang si Nina Acosta, ang pinakamatandang anak ni President Glenn Acosta na ginagampanan ni Gabby Concepcion.

Cassy Legaspi at Gabby Concepcion

Source: cassy (Instagram)

Ito ang kauna-unahang acting role ni Cassy sa isang TV series at kahit baguhan, marami ang nakapansin sa kanyang talento.

Ayon sa dalagang aktres, overwhelmed siya sa ipinakikitang suporta ang publiko sa kanya.

“Nakakakilig po and ayun nga I'm always trending din sa Twitter which is so weird and so cool.

"Every weeknight nagte-trend and ayun nakaka-overwhelm pero at the same, I'm so motivated to go back to work hopefully soon,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.

Ibinahagi rin ni Cassy na muntik na siyang 'di payagan ng kanyang mga magulang na sumabak sa lock-in taping dahil iyon ang unang beses na mawawalay siya sa kanyang pamilya.

Pero worth it naman ang kanilang pagpayag dahil nakikita nilang masaya siya sa kanyang ginagawa.

“They always congratulate me na, 'Ang galing! Good job!'

"So, ako naman parang okay got the approval of Ms. Carmina Villarroel and I got the approval of Sir Zoren Legaspi so okay na ako,” dagdag pa niya.

Legaspi family

Source: cassy (Instagram)

Ayon naman kay Zoren, bahagi na ng family bonding nila gabi-gabi ang manood ng First Yaya at nagbibigay din umano siya ng pointers sa anak tungkol sa pag-arte.

Pero ano naman ang reaksyon niya sa tambalan nina Cassy at Joaquin Domagoso?

“May chemistry sila, in fairness. To think pareho silang newcomer pero nung pinapanood ko 'yung mga school scenes nila, in fairness napapa-smile ako,” aniya.

Cassy Legaspi at JD Domagoso

Source: jdomagoso (Instagram)

Samantala, may bagong tungkulin ngayon si Zoren bilang volunteer ng High-way Patrol Group o HPG. Nakapagtapos ang aktor sa eight-week riding training ng HPG.

“I was able to pass 'yung mga training courses nila,” anang aktor.

At bilang isang HPG volunteer, may paalala si Zoren sa mga kapwa riders niya: “'Wag sila manghihinayang mag-training because 'pag may motor ka you're excited to go out there, you're excited to have fun, excited to ride your bike.

"You're just excited and nalilimutan mo ano ba 'yung tamang pagmo-motor.”

Zoren Legaspi

Source: zoren_legaspi (Instagram)

Samantala, silipin ang quarantined life ng Legaspi family sa gallery na ito: