GMA Logo Zoren Legaspi
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Zoren Legaspi, binalak mag-Hollywood noon

By Kristian Eric Javier
Published August 13, 2026 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mark Magsayo books clash with Andres Cortes on Garcia-Benn card 
13 workers of Isabela, Leyte test positive in random drug test
DOT launches travel microsites for tourism ambassadors BINI and SB19

Article Inside Page


Showbiz News

Zoren Legaspi


Zoren Legaspi: "The main plan was to go to Hollywood na hindi nangyari."

Bilang anak ng matinee idol na si Lito Legaspi, hindi malayong maging aktor ang magkakapatid na sina Zoren, Kier, at Brando.Sa katunayan, sabi ng una, hindi lang sana sa Pilipinas titigil ang pangarap niyang karera.

Pagbabahagi ni Zoren sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, August 12, hindi naman sila inudyukan ng ama na pasukin ang show business.

“Ako kasi, naramdaman ko nung nasa Chicago ako, papunta na ako sa bad boy. Yung parang nagiging gangster mentality na 'ko. Sabi ko, 'Walang mangyayari dito.' Wala na akong interes mag-aral. Sabi ko, 'Uwi na lang ako, gamitin ko na lang 'yung pangalan ng erpat kong Legaspi, pupunta ako kay Kuya Germs, mag-apply ako sa That's Entertainment.' That was the plan,” sabi ni Zoren.

Bukod dito, meron siyang mas malaking plano sana para sa kaniyang karera.

“That was the plan, but the main plan was to go to Hollywood na hindi nangyari. Gagawin ko sanang stepping stone ito, then go to Hollywood,” pagbabahagi ni Zoren.

KILALANIN ANG HOLLYWOOD STARS NA MAY FILIPINO BLOOD SA GALLERY NA ITO:

Sa kabila ng hindi natuloy na plano, nasa masayang karera at pamilya naman ngayon si Zoren, kasama ang asawang si Carmina Villaroel at ang kambal nilang anak na sina Cassy at Mavy.

Sa katunayan, ayon kay King of Talk Boy Abunda, maituturing niyang ideal showbiz family ang kanilang pamilya.

Tugon ni Zoren, “Thank you very much. We try to be intact. And sa awa and tulong ng Diyos, everyone kasi, aligned e. Aligned kami sa isa't isa."

Ngunit paglilinaw ng aktor, may mga problema rin namang dumarating sa kanilang pamilya. Pero gaya ng mga bagyo, lumilipas lang ito at nalalampasan nila.

“Yung hindi mo pinatatagal 'yung bagyo. It's just a season, hindi mo pwedeng patagalin 'yan ng buong taon. Dapat 'yan lumagpas. So nalalagpasan po namin,” sabi ni Zoren.

Panoorin ang panayam kay Zoren dito: