GMA Logo Zoren Legaspi, Carmina Villarroel, Cassy, Mavy
Celebrity Life

Zoren Legaspi gets birthday surprise from his family

By EJ Chua
Published January 30, 2024 6:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Zoren Legaspi, Carmina Villarroel, Cassy, Mavy


Happy Birthday, Zoren Legaspi!

Ipinagdiriwang ng aktor na si Zoren Legaspi ang kanyang ika-52 kaarawan ngayong araw, January 30, 2024.

Sa latest Instagram post ni Carmina Villarroel, mapapanood ang isang video, kung saan sinorpresa niya ang kanyang asawa na si Zoren, kasama ang kanilang kambal na anak.


Pagpasok ng isang kuwarto kung nasaan si Zoren, makikitang si Mavy ang may bitbit ng isang yellow birthday cake, habang si Cassy naman ang abala sa pagkuha ng video.

Sabay-sabay at masayang-masaya nilang kinantahan si Zoren ng birthday song.

Bukod sa video, makikita rin sa post ni Carmina ang kanilang family photos na kinuhanan pagkatapos ng surprise.

Mababasa naman sa caption ng aktres ang prayer at birthday message niya para kay Zoren.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 11,600 ang naturang post ni Carmina.

Isang post na ibinahagi ni Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)

Sa comments section ng naturang post, mababasa ang pagbati ng ilang celebrities kay Zoren.

Kabilang sa mga nagpaabot ng birthday greeting ay ang co-star ni Carmina sa Abot-Kamay Na Pangarap na si Allen Dizon.

Embed: allen