GMA Logo Zoren Legaspi as Cesar in Apoy sa Langit
What's on TV

Zoren Legaspi, inaral at pinaghandaan ang karakter na Cesar sa 'Apoy sa Langit'

By Maine Aquino
Published April 28, 2022 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Zoren Legaspi as Cesar in Apoy sa Langit


Alamin kung paano pinaghandaan ni Zoren Legaspi ang nakakapasong mga eksena ni Cesar sa 'Apoy sa Langit.'

Naiibang Zoren Legaspi ang mapapanood natin sa bagong Kapuso serye na Apoy sa Langit.

Si Zoren ay gaganap bilang isang gwapo at smooth talker furniture contractor na si Cesar Monastrial. Ayon sa Kapuso actor, pinaghandaan niya ang karakter na Cesar dahil gusto niya itong maiba sa mga ginawa niya ng mga proyekto.

Photo source: Apoy sa Langit/ Madz Aguilar

Saad ni Zoren sa internal press interview ng Apoy sa Langit nitong April 26, "May kanya-kanyang ways na paghahanda ang mga artista. Ako I want to show something different.

Inamin ni Zoren na gusto niya pa sanang mag-workout para sa Apoy sa Langit ngunit bago pa siya sumalang sa lock-in taping ay naaksidente raw ang aktor.

"Nag-prepare ako physically but then nangyari 'yung aksidente. I wasn't able to work out."

Nilinaw rin ni Zoren na inisipan niya ng unique characteristics si Cesar. Saad ng Apoy sa Langit actor, "I started doing different kind of hairstyles, pananalita, mannerisms and smoking."

"Hindi ako naninigarilyo, but in this role, naninigarilyo. I have to," tuloy ni Zoren.

Para kay Zoren ang lahat ng ito ay paghahanda lamang ng isang aktor pero kailangan pa rin niya itong ipa-approve sa kanilang direktor na si Laurice Guillen.

Saad ni Zoren, "Preparation is only in preparation of an actor. Kailangan maaprubahan 'yan ng isang director and we have a very professional director.

"'Pag na-approve niya, that means that you're really doing your homework. Kasi para ma-please mo si direk Laurice, dadaan ka sa butas ng karayom."

Abangan ang simula ng nakapapasong kuwento ng Apoy sa Langit sa May 2, 2:30 p.m. sa GMA Network.

Samantala, balikan natin ang ilang kuha sa lock-in taping ng Apoy sa Langit.