
Emosyonal si Zoren Legaspi nang magpasalamat siya sa mga tumutok sa Apoy sa Langit.
Nagtapos ang kuwento ng GMA Afternoon Prime drama nitong September 3.
Ayon sa video na pinost ni Zoren sa Instagram, kinunan niya ito nang matapos iere ang kanilang final episode.
Ani Zoren, puno siya ng pasasalamat sa sumubaybay sa kuwento ng buhay nina Cesar (Zoren), Gemma (Maricel Laxa), Ning (Mikee Quintos), at Stella (Lianne Valentin).
PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit
"Kakatapos lang po ng Apoy sa Langit. Maraming salamat po sa suporta. Maraming salamat po na tinangkilik n'yo 'yung show. I really appreciate it. We really appreciate it."
Ayon pa sa mahusay na aktor ay hindi niya malilimutan ang mga nagmahal sa kanilang programa.
"Sana nag-enjoy kayo. Hindi namin malilimutan 'yung suporta ninyo at 'yung pagmamamahal ninyo sa show kaya maraming, maraming salamat po sa mga sumuporta at tinangkilik ng buong puso ang Apoy sa Langit."
Balikan ang PH exclusive ng finale ng Apoy sa Langit:
SAMANTALA, NARITO ANG HANDSOME PHOTOS NG APOY SA LANGIT STAR NA SI ZOREN LEGASPI: