
Patuloy sa pagtutok ang mga manonood sa bawat eksena at nalalapit na pagtatapos ng Apoy sa Langit.
Nitong September 1, ipinakita ang pambibiktima ni Cesar (Zoren Legaspi) kina Gemma (Maricel Laxa), Ning (Mikee Quintos), at Stella (Lianne Valentin). Ito ang paghihiganti ni Cesar sa kanilang pagtulong-tulong para madakip siya ng mga pulis.
PHOTO SOURCE: Apoy sa Langit
Patuloy naman ang cast ng Apoy sa Langit sa pagtanggap ng mga papuri dahil sa mahusay nilang pagganap sa natitira nilang mga episodes.
Saad ng isang Kapuso viewer, "Ang galing nilang lahat, sana lahat sila bigyan pa ng project."
Komento naman ng ilan, kitang kita ang husay ng pagkakagawa ng Apoy sa Langit at ang pagganap ng bawat aktor na kabilang rito. May ilan ring nagsabing umaaasa silang maging okay sina Gemma, Ning, at Stella at sana ay maparusahan si Cesar.
"Ang ganda nito, sana may part 2. Gagaling ng mga actress at actor."
"Hala grabe. Ilang araw nlng ang apoy sa langit paganda ng paganda ang bawat eksena sana nga po may part 2 pa po ang apoy sa langit kase sobrang ganda at naaadik ako sa palabas nyo."
PHOTO SOURCE: YouTube
"Ang galing galing nyung lahat sana magka-award kayo idol ko kayo!"
"Sana lahat sila ayos sa ending. except Cesar. he deserves punishment."
Balikan ang mga naganap sa episode dito:
Panoorin ang nalalapit na pagtatapos ng highest-rating afternoon drama of 2022 at number one program on GMA Network's YouTube channel na Apoy sa Langit, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.
SAMANTALA, BALIKAN ANG LITRATO NG CAST SA APOY SA LANGIT DITO: