
Big fan ng GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw si singer and actress Zsa Zsa Padilla.
Isa sa mga paborito niyang karakter dito ay si Adelina, played by Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
Sa farewell post ni Barbie noong finale ng Pulang Araw, isa si Zsa Zsa sa mga nag-iwan ng congratulatory messages.
"Will miss Aderina 🙌," sulat niya.
Muling nag-comment si Zsa Zsa sa New Year Post ni Barbie kung saan pinuri niya ang performance ng young actress sa serye.
"Happy New Year! Thank you for Pulang Araw. I truly enjoyed watching it kahit ang daming tearful scenes. Time to smile! 😊 I'll always be your fan! Lab lab 💕," lahad ni Zsa Zsa.
Samantala, may comeback agad ang Pulang Araw sa ating mga telebisyon ngayong 2025.
Matapos ang epic finale nito na talagang naglabas ng iba't ibang emosyon mula sa mga manonood, muling matutunghayan ang huling linggo ng Pulang Araw sa isang special recap episode.
Pinamagatang Pulang Araw: Ang Huling Yugto, matutunghayan dito ang pakikipaglaban nina Eduardo (Alden Richards), Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), Hiroshi (David Licauco), at Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo) para sa bayan at pag-ibig sa huling mga araw ng World War II.
Abangan ang Pulang Araw: Ang Huling Yugto, January 3, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.