TV

Test Your Knowledge: Celebrity Bluff with the models


Pinatunayan ng models at TV personalities na sina Isabelle Daza, Georgina Wilson at Jackie Rice na sila’y beauty and brains sa Celebrity Bluff episode last weekend. Si Dabarkads Isabelle ay umabot ng jackpot round ngunit may isang maling sagot.

Kung ikaw ang contestant, masasagot mo kaya ng tama ang mga tanong? Alamin sa quiz na ito!

1. Anong gulay ang nagtaglay ng pinakamalaking amount ng nicotine?

A. Kalabasa
B. Talong/eggplant
C. Sigrilyas

2. Si dating US President Abraham Lincoln ay hall of famer sa anong sport?

A. Wrestling
B. American Football
C. High Jump

3. Ayon sa Hindu cult leader, nakakagamot daw ng halos lahat ng klaseng mga sakit ang ___ ng baka?

A. Ebs
B. Ihi
C. Sungay ng baka

4. Sino sa mga kalaban ni Batman ang may real name na Oswald Chesterfield Cobblepot?

A. Penguin
B. Joker
C. Mr. Freeze

5. Sa mga anghel, ano ang literal meaning ng pangalang ‘Lucifer?’

A. Light bearer
B. Traitor
C. Fallen angel

6. Ano ang tawag sa isang female dolphin?

A. Cow
B. Nymph
C. Maid

7. Jackpot question: Alin sa mga sumusunod na pelikula ang nanalong Best Picture sa Oscar Awards?

A. Saving Private Ryan
B. Crash
C. The Artist
D. Rain Man
E. Brokeback Mountain
F. Titanic

Answer key:

1. B -- Kagaya ng mga sigarilyo, may nicotine din ang marami sa ating mga gulay, at talong ang may highest nicotine content.
2. A -- Si Abraham Lincoln ay isang accomplished na wrestler at nanalo sa mahigit kumulang na 300 matches. Isang beses lang siya natalo nung kabataan niya.
3. B -- Ayon sa Hindu cult leader, ang nakakagamot sa lahat ng klaseng sakit gaya ng cancer, diabetes at tuberculosis ay ang ihi ng baka.
4. A -- Sa Batman comic series, ang super villain na si Oswald Chesterfield Cobblepot ay mas kilala sa name na Penguin.
5. A -- Mula sa salitang Latin na lucem fere, ang ibig sabihin ng pangalang Lucifer ay light bearer.
6. A -- Ang lalaking dolphin ay tinatawag na bull, at ang babaeng dolphin ay cow.
7. Jackpot: B, C, D, F

Nasagot niyo ba ng tama ang lahat? Para matawa at matuto each week, ugaliing manood ng Celebrity Bluff kasama ang buong pamilya tuwing Sabado.