TV

Ryzza Mae learns to bowl


Sa isang napakasayang kwentuhan at play date with the Greatest International Bowler of All Time na si Paeng Nepomuceno, sinubukan ni Ryzza Mae Dizon ang kanyang kakayahan sa bowling.

Tinuruan si Ryzza Mae ng kanyang Tito Paeng ng terms tulad ng strike at spare, at ng tungkol sa mga kagamitan tulad ng bowling shoes at bowling ball. Nagsampol pa si Tito Paeng ng tamang form sa pagbo-bowling.

Ikinuwento ni Tito Paeng kay Ryzza kung paano, kailan at saan siya nagsimula sa sport kung saan siya’y hinirang na pinakamagaling.

“Nagsimula ako noong 12 years old ako. Naggo-golf kami (tapos) umulan… at naghanap kami ng masisilungan. Bowling center pala ‘yung sinulungan namin. Di na kami nakapapatuloy mag-golf, kaya nag-bowling na kami. Kung di dahil sa ulan, di ko madi-discover ang bowling,” sabi ng World Champion.

Tinanong ni Ryzza kung pwede ba sa kanya ang sport na ito, at nagalak siya sa sagot ng kanyang Tito Paeng. “Yan ang kagandahan ng bowling… Dito, pwedeng maglaro ang bata, matanda, umuulan, di umuulan. Rain or shine, pwedeng mag-bowling,” dagdag niya. 

Nineteen years old si Paeng nang siya’y unang manalo ng isang championship. Mula noon, tuloy-tuloy na ang kanyang pagbigay ng karangalan sa bansa dahil siya’y naging World Bowling Champion ng anim na beses.

Dahil sa kanyang pagpupursige at walang kapantay na talento, mayroon siyang tatlong records sa Guinness Book of World Records. Ito ay ang youngest world bowling champion, record for winning the most world titles in three different decades, at record for winning the most worldwide titles in a career (with 124 titles).

Pinayuhan ng six-time champion ang mga atleta na mag-ensayo kaya’t nahikayat si Aling Maliit na mag-bowling.

Sinubukan ni Ryzza na buhatin ang isang six-pound bowling ball na kulay melon at pagulungin ito sa lane papunta sa pins.

Minsan ay nakanal ang kanyang bola. Minsan naman ay nakaabot ito sa pins pero isa lamang ang natumba. Bagama’t hindi siya naka-strike, tuwang-tuwa naman si Aling Maliit.

Panoorin ang marami pang adventures ni Ryzza Mae weekdays bago mag-Eat Bulaga! O di kaya ay mag-log on sa www.gmanetwork.com.

-- Text by Meryl Ligunas, GMANetwork.com, Interview by The Ryzza Mae Show