TV

Ang bagong simula nina Joaquin at Rhodora



Muling binuksan ang kaso ni Angela, at pagkatapos mapatunayan na totoong may sakit si Rhodora ay pinasok siya sa ospital para matutukan ni Dr. Ferds ang kanyang paggaling.

Madalas kong dalawin si Rhodora kasama si Baby Jenna, at hindi ko namamalayan na unti-unti na akong napapalapit sa kanya. Nakita ko ang kagustuhan niyang gumaling para makasama na ang kanyang anak at mga magulang.

Dahil din sa nangyari kay Rhodora ay naging magaan ang loob sa akin ng mga magulang niya. Pumayag silang dalawin ko si Baby Jenna at kung minsan ay dalhin sa bahay. Nakumbinsi ko rin sila, na sa ospital namin ipagdiwang ang second birthday ng anak namin ni Rhodora.

Nagkaroon ng insidente sa ospital kung saan parehong nanganib ang buhay nina Rhodora at Baby Jenna dahil kay Roxanne. Dahil dito ay lalong nilakasan ni Rhodora ang loob niya na mawala na ang kanyang alters. Hindi rin tumigil sa pagtulong sa kanya si Dr. Ferds, hanggang sa isang araw ay nakatanggap na kami ng magandang balita: magaling na si Rhodora.

Sa paglabas ni Rhodora sa ospital ay ang pagsimula rin ng bago niyang buhay. Lalong dumalas ang pagdalaw ko sa aking mag-ina kaya hindi nagtagal ay minahal ko na siya. Nagdesisyon na rin ako na pakasalan na si Rhodora.

Hindi niya ito agad tinanggap dahil isinaalang-alang pa niya ang naging relasyon namin ni Angela. Naintindihan ko naman ang pinanggagalingan niya, kaya willing akong maghintay hanggang sa handa na siya.

Sa wakas ay dumating din ang araw na iyon. Pumayag na si Rhodora na magpakasal kami, at kami na yata ni Baby Jenna ang mga pinakamasayang tao sa mundo. Agad naming pinlano ang kasal. Wala ring naging problema sa pagitan nina Lola at Rhodora.

Natuloy ang kasal namin ni Rhodora ng walang kahit anong problema. Ngunit pagkatapos kaming ideklara bilang husband and wife ay napatingin si Rhodora sa pintuan ng simbahan at sumigaw ng "Ate!" Bigla siyang tumakbo palabas ng simbahan pero wala namang tao doon.

Sana matahimik na si Rhodora para hindi bumalik ang sakit niya. Ngayong mag-asawa na kami, magiging masaya na sila ni Baby Jenna. Ipinapanalangin ko na ito na sana ang bagong simula ng aming pamilya. -- Joaquin