TV

The future is with 'Pepito Manaloto'


Malayo na ang narating ng family-oriented comedy na Pepito Manaloto, pati na rin ng cast members nito.

Nang matapos ang kanilang Book 1 noong March 2012, agad itong nasundan ng Book 2 na mas kilala bilang Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento pagdating ng September noon ding taon na iyon.

Recently ay nagkaroon din sila ng campus tour kung saan ipinakita nila sa mga mag-aaral ang mga nangyayari behind the cameras. They also had the chance to shoot some episodes abroad, including the United States.

Hindi rin pahuhuli sa awards ang programang ito dahil sila ang hinirang na Best Comedy Program sa 2013 Catholic Mass Media Awards (watch the video here) at sa 5th Golden Screen Awards for TV (read full story here).

Sa dami ng achievements ng Pepito Manaloto, may gusto pa kaya silang abutin? An album and a movie, maybe?

"As a matter of fact, pinipilit kong gumawa ng medyo unique at mga naaakmang kanta para sa mga sitwasyon doon sa Pepito Manaloto," paliwanag ni Michael V., who is both the lead actor and the creative head of the show, nang aming tanungin sa kanilang live chat.

He adds, "Mayroon tayong ilang nagawa. Sinimulan natin noong Pasko, 'yung Hindi Kailangan na kinanta ni Jake Vargas. Tapos may isang awitin akong ginamit na ginamit ko na sa pelikulang Yaya and Angelina, 'yung Not Without These Tears na ginamit ko sa eksena na nasaktan si Nikki (Julie Anne San Jose) ni Chito. Tapos 'yung eksena naman na binasted ni Nikki si Chito, gumawa rin ako ng isang awitin doon na ang title ay Huhuhu, na maaari niyong marinig sa SoundCloud."

Hindi raw dito nagtatapos ang mga kantang ipo-produce niya para sa Pepito Manaloto dahil marami sa cast ang magagaling kumanta.

When asked if they have any plans of bringing the show to the silver screen, ito ang naging sagot ni Bitoy: "Mayroon ng basic plot para doon sa Pepito Manaloto the Movie. Kaya lang nirereserba pa namin. Posibleng gawing transition doon sa current episodes ng Pepito Manaloto, or kapag hindi nag-work out 'yun, gagawin na lang naming movie."

Don't miss the Pepito Manaloto live chat rewind, soon on GMANetwork.com, and keep on watching Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, Sunday nights after Kap's Amazing Stories.

-- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com