TV

Ang pagtakas ni Nico



With Roxanne's help, I was able to come up with the perfect plan. Palalabasin namin na kinidnap ko si Rhodora, at kapalit niya ay ang kanyang Ate Angela. Kung hindi nila ito susundin, papatayin ko si Rhodora. Noong una ay ayaw pa nila maniwala, pero hindi rin ito nagtagal dahil pinarinig ko sa kanila ang boses ni Rhodora. Alam ko kung gaano nila kamahal ang kanilang bunsong anak kaya bibigyan din sila eventually.

Hanggang sa makatanggap ako ng tawag mula kay Angela. Payag na daw siyang sumama sa akin kapalit ng kanyang kapatid. So I made arrangements for the exchange at sinunod naman niya ito. Nang magkaharap na kaming tatlo, nagdrama pa itong si Angela kay Roxanne. Labanan daw niya ito and so on. Bilib din ako dito kay Roxanne, hindi nagpatinag kay Angela. Hanggang sa nauwi sila sa sabunutan. I was amused at first, pero napapatagal ang pag-alis namin. Sakto naman ang pagdating nina Joaquin at Derick, kasama ang mga pulis. Buti na lang at mabilis kong nahablot si Angela at tinutukan ng baril, kaya hinayaan nila kaming makatakas.

I had a bad feeling na sinundan kami ng mga pulis, lalo na't nabaril pa nila ang gulong ng kotse ko. Buti na lang at natawagan ko agad ni Ryan at nasundo niya kami pauwi sa bahay. There, I confronted Angela about her feelings for me. Hindi na daw niya ako mahal, at wala na akong puwedeng gawin para maibalik 'yun. Nagdilim ang paningin ko kaya naisip kong halayin siya. Pero pumasok si Ryan sa kuwarto dahil nagsisisigaw si Angela kaya hindi ito natuloy. Hindi bale nang hindi ko maangkin si Angela, basta akin lang siya. Doon kami sa Hong Kong magsisimulang muli.

The next day ay dinala ko na si Angela sa yate. Ito ang gagamitin namin papuntang Hong Kong dahil mainit na kami sa mga awtoridad mula pa nung niloko namin ang mga Vasquez. We were already smooth sailing nang biglang may narinig kaming ingay. Wala naman akong nakita so I just brushed the idea away. Hanggang sa naabutan ko si Rhodora na tinutulungan si Angela na makatakas. This woman is really crazy. Nilabanan man nila ako ay hindi sila makaalis sa yate dahil napigilan sila ni Ryan.

Akala ko ay dito na magtatapos ang problema ko sa dalawang ito. May mas matindi pa pala, dahil nagsidatingan na ang mga pulis. But they will not catch me alive. Lumaban ako, nakipagbarilan, nakapatay. Pero ang hindi ko inasahan ay barilin ako ni Rhodora. Nailigtas naman ako ni Ryan pero hinang-hina na ako. Nang sumabog ang yate ay napuruhan ako ng apoy. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa magkapatid. But this incident will not stop me from getting what I want, especially if I find out na buhay pa si Angela. Hanggang sa mga sandaling ito, akin lang siya at hindi siya mapupunta sa iba. -- Nico