TV

Are Steffi Cheon and Matteo Do destined for each other?



Si Jun Ji-hyun ang gumaganap na Steffi Cheon sa hit romantic comedy series of 2014, na My Love from the Star. Sikat na artista ang karakter na ginagampanan ni Jun Ji-hyun. Walang hindi nakakakilala kay Steffi.

Napagkamalan niyang stalker si Matteo Do nang makasabay niya ito sa elevator papunta sa kanyang condo unit. Laking gulat niya nang malamang professor din pala niya ito sa university.

Hindi naging maganda ang pagkikita ng dalawa. May pag-asa pa bang magkasundo sila despite their differences?



Si Kim Soo-hyun naman ang gumaganap bilang Matteo Do sa phenomenal hit series of 2014 na My Love from the Star. Isang alien si Matteo na namuhay sa planet Earth sa loob ng 400 years. May tatlong buwan na lang siya mananatili sa mundo natin, bago siya umuwi sa kanyang home planet. Okay na sana ang lahat nang biglang makilala niya si Steffi Cheon. Nagulo ang tahimik niyang mundo. Hindi maipaliwanag ngunit laging nagtatagpo ang landas nina Matteo at Steffi. Kapalaran nga ba nila ang isa’t isa?

Ngayong kilala na natin ang mga bida na sina Steffi Cheon at Matteo Do, ano nga ba ang kapalarang naghihintay sa kanila? Pareho silang may nakaraan na gustong balikan.

Hindi makalimutan ni Steffi ang lalaking nagligtas sa kanyang buhay nang muntik na siyang masagasaan noon. Samantalang si Matteo, hindi makalimutan ang babaeng unang nagpatibok ng kanyang puso, 400 years ago.

Sa hindi maipaliwanag na mga pangyayari, palaging nagkukrus ang landas nina Steffi at Matteo. Pag kailangan ni Steffi nang karamay, bigla na lang dumarating si Matteo para tulungan at saklolohan siya. Tulad na lang nang ma-ospital si Steffi dahil sa appendicitis. Si Mateo ang sumaklolo sa kanya para maihatid sa ospital. Hindi rin siya nito iniwan bagkus binantayan pa. Nakaabang din siya sa pangangailangan ni Steffi. Handang ihatid ang mga librong nais basahin ng dalaga habang nasa ospital. Umaalalay dito pag may iba pang kailangan. Ano nga ba ang nararamdaman ni Matteo para kay Steffi?

May hinala si Matteo na si Steffi ang babaeng iniligtas niya 400 years ago. Hindi niya maipaliwanag ngunit sa tuwing nanganganib si Steffi, dumarating siya para mailayo sa kapahamakan ang dalaga.

Nahuhulog na nga ba ang loob ni Matteo kay Steffi? O kapalaran ang gumagawa ng paraan para muli silang magkita?

Alamin kung nakatakda nga ba sa isa’t isa sina Matteo Do at Steffi Cheon sa My Love from the Star pagkatapos ng Mischievous Kiss: Love in Tokyo only on GMA. Para sa latest, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com. --Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com.