TV

Balikan ang nag-trending na landing ng 'My Love from the Star' ngayong Linggo!


Na-miss nyo ba ang landing ng alien heartthrob ng GMA na nag-trending worldwide?

O gusto nyong ulitin ang eksenang pinagmulan ng ngayon ay nauusong nasal expression na, “Sarreh. OK? Sarreh (Sorry. OK. Sorry.)”?

As a special treat, hihiramin ng GMA Network ang time-stopping powers ni Matteo Do at ire-rewind ang nakaraang dalawang linggo para maihatid sa inyo ang highlights ng first two weeks ng number one hit romantic comedy series ngayong 2014 – ang My Love from the Star. At wala kayong gagawin kundi mag-relax sa bahay ngayong Linggo ng umaga.

Mamangha sa grand entrance ng UFO ni Matteo Do, ang alien mula sa KMT 184.05 na tumira sa Earth 400 years ago.  

Matteo has three months to live on Earth before he is forced to return home. Being an alien, he doesn’t have feelings and he refuses to get acquainted with anyone so he can peacefully leave the planet when it’s time for him to go. He has supernatural powers like bionic ears, teleportation, and unbelievable strength.

Kilalanin muli si Steffi Cheon, ang weird na superstar na hinahangaan ng kalalakihan at kinaiinggitan ng kababaihan.

Can a superstar and an alien get along especially if their first meeting was a disaster?

Napagkamalan kasi ni Steffi na stalker si Matteo noong una silang magkita. Pero kapitbahay pala niya ito – at professor pa.

Anong charming techniques ang gagamitin ni Steffi para makakuha ng good grades?

Habang nakukrus ang kanilang mga landas, nakakagaanan na ng loob ni Steffi si Matteo dahil sa ilang beses na pagsalba sa kanya nito.

Unti-unti na ring naiintindihan ni Matteo na may kabutihan din palang taglay ang feelingera at mayabang na artista.

Pero hindi makalimutan ni Matteo ang babaeng kanyang iniligtas 400 years ago. Hindi rin naman kilala ni Steffi ang lalaking nagligtas sa kanya minsan sa posibleng pagkabundol.

Posible bang may koneksyon sila?

Tunghayan sa kakaibang kuwento ng destiny na sumasaklaw sa daan-daang taon – ang My Love from the Star -- this Sunday morning!

At para malaman kung bakit paboritong pagkain ni Steffi ang chicken at beer,  samahan si Matteo every Monday to Friday sa My Love from the Star bago mag-24 Oras.

For the latest on the Heart of Asia, keep visiting www.gmanetwork.com

-- Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com