TV

Test Your Knowledge: Sibling bonding at Celebrity Bluff


Napatunayan ng Atenean athletes na sina JC at Rex Intal na hindi lang sila sa court magaling, pero may maipagmamalaki din sila sa tagisan ng talino. Tinalo nila ang celebrity siblings na sina Antoinette and Tom Taus, at ang hard court heartthrobs na sina Kiefer at Thirdy Ravena.

Perfect ang record ng Intal brothers sa first two rounds pero nagkamali sila sa 500,000 peso-question. Tawagin na ang mga kapatid at i-check kung kaya ninyong talunin ang Intal, Taus at Ravena siblings sa quiz na ito:

1. Anong gas ang nagbubuo ng hangin sa loob ng hindi pa nabubuksang bag of potato chips?
A. Wala
B. Helium
C. Nitrogen

2. Ano ang tawag sa pambabaeng portable urinating device na inimbento sa United Kingdom?
A. Wetty
B. Witter Pan
C. Shewee

3. Ang first pet ni Barbie na si 'Dancer' ay isang ano?
A. Dog
B. Horse
C. Bird

4. Ano ang unang bansang nag provide ng free Wi-Fi both to its citizens and tourists?
A. Hong Kong
B. Singapore
C. Taiwan

5. Ayon sa pinakabagong pag-aaral ng mga researchers, ano ang estimated number of smells na kaya raw maamoy ng mga tao?
A. One billion
B. One million
C. One trillion

6. Alin sa mga sumusunod ang unang apat na toys na ibinenta commercially?
A. Barbie
B. Hula hoop
C. Yo-yo
D. Teddy bear
E. Lego
F. Slinky

Answer key:

1. C -- Ang air na nasa loob ng unopened chips ay para mapreserve ang freshness nito, at ang air na ito ay ang chemical element na Nitrogen.
2. C -- Ang portable urinating device for women na naimbento ng British inventor na si Samantha Fountain ay tinatawag na shewee.
3. B -- Ang unang pet ni Barbie na si 'Dancer' ay isang uri ng kabayo.
4. C -- May mahigit na 4000 hotspots sa lugar na ito at free ang Wi-Fi para sa lahat sa Taiwan.
5. C -- Ayon sa researcher sa New York, merong previous estimate na kaya maka-detect ng 10,000 scents ang ilong ng tao. After futher studies, natuklasan nila na may kakayahan ang ating ilong na makaamoy ng at least one trillion scents.
6. C, D, E, F

Talagang pang-pamilya ang Celebrity Bluff  kaya’t huwag palampasin ang family bonding every weekend sa GMA Sabado Star Power.