TV

Stop time every Sunday morning with 'My Love from the Star: The Kilig Throwback'

My Love from the Star sa GMA.


Tulad ni Matteo, magkakaroon na rin tayo ng powers para patigilin ang ating oras. Magte-teleport din tayo sa mga eksenang gusto nating balik-balikan.

Nagkakalapit na ang loob nina Steffi at Matteo. Since they’ve been together most of the times, they got to know and understand each other deeply. Steffi asked Matteo to stay beside her at all times. She felt safe with Matteo.


Nanganganib ang buhay ni Steffi dahil hindi pa rin nahuhuli ang tunay na mastermind sa pagkamatay ni Rachel Han. Marami na ring pagtatangka sa kanyang buhay.

Naospital si Steffi nang may nagtangka sa kanyang buhay. Buti na lang at nandoon si Matteo upang iligtas siya. Pero kahit sa ospital ay hindi pa rin ligtas si Steffi dahil meron pa ring nakaambang panganib sa kanya.

Nagising si Steffi na nasa loob ng isang kotse na walang break at mahuhulog na sa bangin. She saw Matteo save her by instantly appearing in front of the speeding car and stopping it with his bare hands.

But Matteo later told her that what she saw was impossible. Steffi didn’t know what to believe – Matteo’s word or her own eyes. Malaman kaya ni Steffi kung sino ang tagapagligtas niya nang araw na iyon?

Hindi na alam at maintindihan ni Steffi kung ano na ang gagawin niya sa buhay. May nagtatangka at may nagliligtas sa kanya. Guni-guni lang ba niya ang lahat? O nababaliw na siya?

Alamin kung guni-guni nga lang ba ni Steffi ang lahat sa My Love from the Star: The Kilig Throwback every Sunday at 10:45 a.m. and from Mondays to Fridays, at 5:50 p.m. Para sa latest sa Heart of Asia, bisitahin lagi ang www.gmanetwork.com.

-- Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com