TV

Lessons from 'Rhodora X': Fulfillment, patience, and never giving up


Dalawang linggo na lamang at magwawakas na ang isa sa mga inaabangang teleserye gabi-gabi, ang Rhodora X. Headlined by Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Mark Herras and Mark Anthony Fernandez, naging reunion na rin ang programang ito para sa mga StarStruck alumni, pati na rin sa tambalang MarkJen, whose last project together was in 2009. 

Ngayong napapalapit na ang pagtatapos ng Rhodora X, inalam ng GMANetwork.com mula sa cast members kung ano ang mga natutunan nila sa show, sa kanilang roles at sa kanilang co-stars.

Naging mahirap para kay Jen, who plays Rhodora, Roxanne, and Rowena, ang gampanan ang tatlong characters. Pero thankful ang aktres na naging maayos ang pagbibigay buhay niya sa mga ito.

"Pinakamahirap si Rhodora kasi medyo intense 'yung pagka-mahiyain at pagka-emotional niya. Masyadong takot, ang hirap niyang i-control. Sa totoong buhay kasi ang tao hindi naman ganun eh. Si Roxanne, okay lang. Sigawan mo, pandilatan mo, ganun lang. Hindi masyadong umiiyak. Mas okay ang dalawang alters kaysa dun sa original."

Dagdag pa niya, "Kahit gaano kahirap ang pinapagawa sa 'yo, basta magawa mo nang tama, malatag mo nang tama ang bawat character, malaking fulfillment na 'yun. Nakakatuwang isipin na ang mga tao affected sila sa bawat characters na ginagampanan ko. For me, 'yun na 'yung parang sukli sa lahat ng mga pinaghirapan ko."

Love and patience naman daw ang napulot ni Yasmien sa teleseryeng ito. "You really have to be patient minsan sa mga bagay-bagay. Kailangan, you still have to try to be kind in spite sa mga masasamang nangyayari sa buhay."

Ito naman ang naging pahayag ni Mark Herras. "Kahit anong maging problema niyo sa family, sa asawa, in-laws, lahat, huwag ka dapat sumuko. Dapat kahit anong mangyari, kahit feeling mo wala ka ng puwedeng gawin, hindi ka dapat sumuko. Kasi kapag sumuko ka, quitter ka."

Para kay Frank Magalona, who plays Santi, being exposed to someone with multiple personalities like Rhodora made him assess himself. "Nakita ko rin ang iba-ibang sides ng sarili ko. It makes me wonder kung ano 'yung pinaka-okay na personality ko para makitungo sa tao nang maayos. [I need it] to be able to do things properly, and to be able to communicate with other people in a good manner."

Nagsilbi namang dry run ang character ni Gardo Versoza na si Derick sa kanyang pagiging daddy in real life. "In a way natuto ako to be a father to ages like 'yung mga edad nina Jen. Malaking bagay for me kasi habang lumalaki 'yung baby ko, more or less parang mayroon na akong dry run pagdating doon sa age nila."

Don't miss the last two weeks of Rhodora X, weeknights after Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw, on GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com