TV

Coney Reyes, umaming apektado sa mga relasyon ni Bossing


Sa kanyang interview sa Startalk, inamin ni Coney Reyes na nasa puso pa rin niya ang dating kasintahan na si Vic Sotto.

Isang reunion ang naganap sa Startalk nang magsama muli on-cam si Joey de Leon at Coney Reyes. Matatandaang naging bahagi din ang aktres ng longest-running noontime show Eat Bulaga

Sa umpisa ng interview, naging emotional ang dalawa at nakita ng mga viewers kung gaano sila ka-close. Kaya naman natanong ni Joey ang multi-awarded actress ng mga personal questions. Sinimulan niya ito with the question: Nasa puso mo pa rin ba si Pareng Vic?  

“Syempre naman, tatay ng anak ko ‘yan,” ang pag-amin ng aktres. “Puwede ba naman mawala ['yun] part [na siya] ng life ko?”

Ang kanilang anak na si Vico ay 25 years old na ngayon.  

Sa kuwentuhan nila ni Joey de Leon, sinabi rin ng aktres na apektado siya sa mga naging relasyon ni Bossing.

“Whatever happens to Vic and whatever relationship he has will affect my child. If it affects my child, it will affect me, so syempre, affected ako,” aniya.

Nalulungkot rin daw siya kapag may hindi siya magandang naririnig tungkol sa relasyon ng dalawa dahil alam niyang may epekto rin ito kay Vico.

“Na-a-apektuhan ako syempre, lalo na ‘pag nakakarinig ako ng hindi maganda tungkol dun sa girl, kasi apektado ang anak ko,” dagdag ni Coney.

Dahil dun, gusto ni Coney na maging maganda ang takbo ng lovelife  ni Bossing. “Pinag-pe-pray ko din ‘yan,” kuwento niya.

Hindi man nagkatuluyan sina Coney at si Bossing, sinabi ng aktres na hindi nakakalimutan ng kanyang dating nobyo at Eat Bulaga co-host ang kanyang obligasyon sa kanilang anak.

“He's not with us so how can he be the perfect father? But he tries his best in all fairness to him. Okay siya. Walang problema,” sagot ni Coney.

Tinanong din ni Joey kung open pa ba siya sa posibildad na ma-in love ulit?

“Open ako sa lahat ng gagawin ng Panginoon sa buhay ko. If it’s part of God’s plan for me, go. If it’s not part of God’s plan for me, eh 'di wag kasi kuntento na’ko sa buhay ko ngayon eh,” sabi niya.

Sa pagbabalik-Kapuso ni Coney Reyes, malaking proyekto ang maaring abangan ng mga kaibigan at taga-hanga dahil kabilang siya sa star-studded cast ng GMA Telebabad soap na Ang Dalawang Mrs. Real.

“Ang character ko dyan [ay] si Sonia Real at parang magiging kumare 'yan [ng mga manonood]. You’ll be able to identify [with her]. You’ll love her kahit makulit siya,” sabi niya.

Abangan si Coney Reyes, kasama sina Maricel Soriano, Dingdong Dantes at Lovi Poe sa Ang Dalawang Mrs. Real simula June 2, pagkatapos ng Kambal Sirena.

— Text by Meryl Ligunas, GMANetwork.com, Interview from Startalk