TV

Test Your Knowledge: 'The Half Sisters' at 'Celebrity Bluff'

By MARY LOUISE LIGUNAS



Ang magkaibigan sa totoong buhay pero magiging magkaribal sa The Half Sisters na sina Barbie Forteza at Thea Tolentino ay nag-uwi ng P75,000 sa Celebrity Bluff noong nakaraang linggo.

Tinalo nila ang dating magka-love team at dating magkasintahan na sina Rainier Castillo at Sheena Halili at ang magpinsan na sina Charee at Enzo Pineda.

Kaya niyo bang talunin ang galing ng dalawang Kapuso teen stars? Find out by taking the test below.

1. Kapag pinag-mate ang goat at sheep, ano ang tawag sa magiging anak nila?

A. Shoat
B. Kiddie lamb
C. Geep

2. Sa mga Kampapangan, ang 'tiltilan' ay sawsawan, gawa rin ito minsan sa garlic, spices at ilog ng ano?

A. Isda
B. Ibon
C. Bibe

3. Anong bansa ang sumakop sa bansang Brazil mula 16th hanggang 19th century?

A. Wala
B. Spain
C. Portugal

4. Ang Pinay na si Maria Aurora Carandang ay kinilala bilang Asia's first female ____?

A. Army general
B. Pilot
C. Sea captain

5. Mula sa anong probinsya ang mga Pinoy na lumikha ng Guiness world record for 'The World's Largest Flaming Image Using Candles'?

A. Cagayan de Oro
B. Iloilo
C. Bulacan

6. Bilang premyo, ano ang ibinigay sa first place winners sa 1900 Paris Olympics?

A. Painting
B. Gold
C. Gold-plated laurel leaves

7. Ayon sa U.N. Food and Agriculture Organization, ano ang top 4 livestock o domesticated animals sa buong mundo in terms of meat production (in tons)?

A. Sheep
B. Cattle/cow
C. Horse
D. Chicken
E. Pig
F. Goat

Answer key:

1. C – Ang first successful fusion ng embryo ng goat at sheep ay isinagawa sa Australia noong 1984 at ang kanilang offspring ay tinawag na geep.
2. A – Literally, ang ibig sabihin ng tiltilan sa Kapampangan ay sauce or side dish. It is also a local delicacy na gawa sa garlic, spices and fish eggs or caviar.
3. C – Mula 16th hanggang 19th century, ang Brazil ay sinakop ng Portugal.
4. B – Maria Aurora Carandang Gloria is the first woman Filipino woman commercial pilot and she is Asia's first female pilot.
5. B – Noong 2009, Pakistan ang record-holder nito pero this year, nag-light ng 100,000 candles to form an image of the Philippine map as a prayer for peace. Ito ay ginanap noong April 16, 2014 sa Oton, Iloilo.
6. A – First place winners in the 1900 Paris Olympics received paintings instead of gold medals because they were considered to be more valuable.
7. A, B, D, E

Napakita nina Barbie at Thea ang kanilang galing sa pakikipagtagisan ng talino nang tinalo nila ang kalabang mga artista. Panoorin naman ang kanilang angking galing sa drama sa The Half Sisters, simula June 9 sa GMA Afternoon Prime.