TV

Matteo Do’s big revelation

By EUNICIA MEDIODIA

Tuwang-tuwa si Steffi na sa wakas ay tinawagan na siya ni Matteo at may nais daw itong sabihin sa kanya na mahalaga. Ano kaya ang malalaman ni Steffi tungkol kay Matteo?



Pinakita ni Matteo kay Steffi kung ano ang kaya niyang gawin. Inamin niya rin na isa siyang alien. 'Di makapaniwala si Steffi sa kanyang naririnig. Pakiramdam niya nagsisinungaling lang si Matteo. Nanginig din ang kanyang tuhod ng biglang basagin ni Matteo ang salamin sa museum.



Paano kaya tatanggapin ni Steffi ang pagiging alien ni Matteo? Umuwi mag-isa si Steffi na mabigat ang loob. Iniwan siya ni Matteo pagkatapos nitong sabihin na isang alien siya. Titigilan na ba ni Steffi si Matteo ngayong alam na niya ang secret ng binata?




Matteo concealed his identity dahil sa naging reaction ng mga tao sa kanya. Naalala niya 'yung time na iniligtas niya ang isang tao mula sa pagkakaipit sa isang bato. Instead of being thankful, sinubukan nilang hulihin si Matteo, pero biglang nawala si Matteo sa kanilang harapan.



Another incident na naalala ni Mateo ay noong ipinagtapat niya sa kanyang malapit na kaibigan ang pagiging alien. Kinatakutan din siya nito at nilayuan.

Kaya naman simula noon, itinago niya na ang tunay na pagkatao dahil alam niyang katatakutan lang siya ng mga tao at lalayuan. Walang tumatanggap sa tunay na Matteo.

Ngayon ipinagtapat na niya kay Steffi ang totoo dahil gusto niyang layuan at katakutan din siya ni dalaga. Lalayuan na nga ba siya ni Steffi pagkatapos ng kanyang big revelation?



Nakita ng lahat kung gaano katatag si Matteo pero deep inside no one really knows how an alien truly feels. Inisip ni Matteo kung ano nga ba ang kanyang tunay na nararamdaman ngayong pabalik na siya sa planetang pinanggalingan. Konting oras na lang ang nalalabi kay Matteo sa Earth? Kaya ba niyang iwan si Steffi?

Like: www.facebook.com/GMAMyLoveFromTheStar
Follow: www.twitter.com/GMAFromTheStar